Mababawasan na ba ng kaaway si Cardo (Coco Martin)?
Isang maaksyong linggo ang nag-aabang sa viewers simula Lunes (Oktubre 11) dahil sa madugong engkwentrong sisiklab sa pagitan nina Lito (Richard Gutierrez) at Albert (Geoff Eigenmann) sa “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Magugulat na lang si Lito dahil susugurin ni Albert at ng buong pwersa ng Black Ops ang warehouse na kinaroroonan niya kung saan magaganap ang isang malaking transaksyon ng mga drug lord.
Subalit hindi alam ng Black Ops na mas lumakas pa ang pwersa ni Lito dahil protektado ito ng first lady ng bansa na si Lily (Lorna Tolentino). Magiging delikado rin ang sitwasyon ng Black Ops dahil may mga nakapagplantang bomba sa loob ng warehouse sakaling magka-aberya ang operasyon ni Lito.
Sa kabila ng pagsasalpukan ng kanyang mga kaaway, pinaghahandaan naman ni Cardo at Task Force Agila ang susunod nilang hakbang upang isa-isang patumbahin ang kanilang mga kalaban.
Sino kina Lito at Geoff ang mananatiling buhay? Ano ang mga pinaplano ni Cardo laban sa mga kaaway niya?
Huwag palampasin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.