VICE GANDA, NAGBIGAY NG DAGDAG PABUYA PARA SA KARDING SURVIVORS AT RESCUERS SA “EVERYBODY, SING!”

Muling nasaksihan ang kabutihan ni Vice Ganda nang dinagdagan niya ng P40,000 ang napanalunang cash prize ng songbayanan ng bagyong Karding survivors at rescuers noong Sabado (Nobyembre 12) sa “Everybody, Sing!” 

Sa jackpot round, anim lamang na kanta ang tamang nahulaan ng songbayanan kaya nagwagi sila ng P60,000, ngunit dahil umiral ang pagiging bukas-palad ni Vice, personal niyang dinagdagan ito ng P40,000 para may mauwing P100,000 ang contestants. 

“Nawa po ay makasama ang programang ito at munti ninyong napanalunan sa muli ninyong pagbangon. Mabuhay po kayo, mga Kapamilya,” mensahe ni Vice. 

Dagdag niya, “Maraming salamat po sa pagshe-share ninyo sa amin ng kwento ninyo. Hindi man maganda ang pangyayari na naibahagi niyo sa amin, may mga aral po kaming natututunan sa mga ibinahagi ninyong kwento at patuloy kaming sasaludo sa mga bayani na nagbuwis ng kanilang mga buhay.” 

Ilang beses na rin nagpaabot ng personal na tulong si Vice sa mga songbayanan ng “Everybody, Sing!” simula noong umere ang unang season nito.  

Samantala noong Linggo (Nobyembre 13), nag-uwi naman ng P40,000 ang songbayanan ng mga mangingisda matapos nilang mahulaan ang apat sa sampung kanta sa jackpot round.  

Mas naging masaya rin ang programa noong Linggo dahil sa pagbisita ni Klarisse de Guzman na kumanta sa isang round ng “Everybody, Sing!” 

Orihinal na konsepto ng ABS-CBN ang community singing game show na “Everybody, Sing!” na naging nominado sa Venice TV Awards at Asian Academy Creative Awards noong 2021.   

Anong sektor na naman kaya ang sasalang sa kantahan? Abangan sa “Everybody, Sing!” tuwing Sabado at Linggo, 7 pm (Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z), 9:30 pm (tuwing Sabado sa TV5), at 9 pm (tuwing Linggo sa TV5). Available rin ito sa iWantTFC, at TFC IPTV.   

Para sa latest tungkol sa “Everybody, Sing!” i-follow ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para naman sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button