Saan man sa mundo ang mga Pilipino, mapapanood na nila ng libre ang “TV Patrol” at iba pang programa ng ABS-CBN News sa YouTube, Facebook, at iba-ibang digital platform ng ABS-CBN.
Maliban sa pangunahing newscast ng ABS-CBN na pinangungunahan nina “Kabayan” Noli de Castro, Bernadette Sembrano, at Henry Omaga-Diaz, mapapanood na rin sa mas maraming digital platforms ang “Headline Pilipinas” ng TeleRadyo at “Dateline Philippines” ng ABS-CBN News Channel (ANC).
Simula noong Lunes (Nobyembre 9) ay napapanood na ang mga ito sa buong mundo sa ABS-CBN News website (news.abs-cbn.com/live), YouTube channel (youtube.com/ABSCBNNews), Facebook page (facebook.com/ABSCBNNews), at sa ABS-CBN News App.
Makakahabol na rin ang mga Pilipino sa ibayong-dagat sa iba-ibang palabas sa ANC at TeleRadyo sa ABS-CBN News YouTube channel at ABS-CBN News App. Kabilang diyan ang “Headstart with Karen Davila,” “Matters of Fact,” at “Market Edge” ng ANC, at “Kabayan,” “Sakto,” “TeleRadyo Balita,” “On The Spot,” “Lingkod Kapamilya,” “Headline Pilipinas, “SRO,” “Winner sa Life” at “Dr. Love” ng TeleRadyo.
Sa kasalukuyan, nangunguna pa rin ang ABS-CBN News sa mga lokal na news channel sa YouTube dahil sa 10.7 million subscribers nito at mahigit anim na bilyong lifetime views. Ang Facebook page naman nito ay may 18.9 milyong likes na at mahigit 21 milyong followers.
Dati na ring napapanood ang “TV Patrol” sa iba-ibang parte ng mundo sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC).
Panoorin ang “TV Patrol,” “Headline Pilipinas,” at “Dateline Philippines” live and on-demand, at iba pang programa ng ANC at TeleRadyo sa news.abs-cbn.com/live, youtube.com/ABSCBNNews, facebook.com/ABSCBNNews, at ABS-CBN News App. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at Twitter.