“TV PATROL,” MAY MGA BAGONG KASAMA

Tatlo pang institusyon ng impormasyon ang makakasama sa paghahatid ng “TV Patrol” ng serbisyo sa mga Pilipino.

Kamakailan lang, ibinida sa programa sina Winnie Cordero, Boyet Sison, at Marc Logan na maghahatid ng kaalaman at kasiyahan sa mga manonood sa kani-kanilang mga segment sa “TV Patrol.”

Mga payo sa pamamalakad ng tahanan at pangangalaga sa pamilya ang ibabahagi sa “Winning Moment” ni Winnie, na minahal ng publiko sa mga programa tulad ng “Umagang Kay Ganda” at “Todo Todo Walang Preno.”

“May tanong ka ba tungkol sa pagba-budget, sa mga pagkaing araw-araw na ihahain sa pamilya, pati na mga panalong diskarte, sagot na ‘yan ng inyong Winning Moment mga Kapamilya,” aniya.

Mga trivia at nakamamanghang bagay naman ang ilalahad sa “Alam N’yo Ba?” ni Boyet, na isa ring kilalang pangalan sa radyo at TV.

“Tuwing magkikita tayo ang magiging tanong ko sa inyo ay “Alam N’yo Ba?” dahil ngayon alam niyo na,” sambit ng dating anchor ng “Fastbreak” sa DZMM at “Hardball” sa ANC.

Magpapatuloy din ang 25 taong paghahatid ng good vibes ni Marc sa mga Kapamilya sa “Mga Kwento ni Marc Logan,” na bahagi na ng newscast sa maraming taon.

“Syempre po laughter is the best medicine kaya sa bawat sulok at kahit saan mang lupalop hahanapin ko ang mga nakatutuwang video para mapasaya kayo, Kapamilya,” pangako ng dating host ng “Alas Singko Y Media” at “Meron Akong Kwento” at iba pang programa.

Bukod kina Winnie, Boyet, at Marc, makakasama pa rin mula Lunes hanggang Biyernes ng 6:30 pm sa “TV Patrol” ang anchors na sina Henry Omaga-Diaz, Karen Davila, at Bernadette Sembrano, at Star Patroller na si Gretchen Fullido. Patuloy din ang paglilingkod nina Alvin Elchico at Zen Hernandez sa “TV Patrol Weekend” tuwing Sabado at Linggo ng 6 pm.

Mapapanood ang “TV Patrol” at “TV Patrol Weekend” sa ANC, TeleRadyo, Kapamilya Channel, iWantTFC, Kapamilya Online Live, news.abs-cbn.com/live, ABS-CBN News YouTube channel, ABS-CBN News App, at mapakikinggan din sa ABS-CBN Radio Service App.

Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button