Sa unang pagkakataon ay pinagsma-sama ni Direk Jun Robles Lana ang tatlo sa pinakamagagandang mukha sa big screen para ilahad ang isang nakaaktuwang kwento tungkol sa pamilya at pagkakaisa. Muling makakatrabaho ni Direk Jun sina Martin del Rosario (Born Beautiful), Christian Bables (Signal Rock), at si Paolo Ballesteros (Die Beautiful) at isang kakaibang family comedy ang kanilang ihahatid para sa mga manonood sa buong bansa kasabay ng ilang piling pelikula na kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.
Unang inanunsyo noong Marso bilang isa sa tatlong napiling screenplays ang The Panti Sisters. Ang pangako ni Direk Jun na mapagsama-sama ang tatlong artista na dati nang napabilang sa kanilang “Beautiful Cinematic Universe” ay nagkakatotoo na sa standalone na kwento patungkol sa Panti Sisters.
Sa pelikula, makikilala ng mga manonood sina Daniel (Martin), Samuel (Christian), at Gabriel (Paulo), ang tatlong baklang magkakapatid na pinagbuklod ng kanilang ama (John Arcilla) na may malubhang karamdaman.
kailangang isantabi ng mga magkakapatid ang kanilang pagkakaiba upang lubusan nilang malaman kung ano nga ba ang meron sa isang tunay na Panti. Isang nakakatawang kwento ang The Panti Sisters tungkol sa pagtanggap, pagrespeto at pagmamahal sa sarili mong pagkatao kahit ano pang kulay ng PANTI ang suot mo. Magsasanib pwersa ang Blacksheep, The IdeaFirst Company at Quantum Films para maihatid sa mga manonood sa buong bansa ang mga kwentong matapang at may puso.