Tungkol sa ligayang hatid ng pag-aalaga ng halaman ang bagong awitin ng Asia’s premiere vocal harmony group na The CompanY na pinamagatang “Disco Plantito, Disco Plantita.”
Kumuha ng inspirasyon ang retro-disco song sa dumaraming plantitos at plantitas ngayon na nakahanap ng libangan sa pagtatanim, isang patunay sa katatagan ng mga Pinoy sa kabila ng matinding pinagdadaanan.
“We thought of coming up with a song that is happy, celebratory, and joyful, and also speaks of the resilience of the human spirit, especially tayong mga Pinoy,” sabi ng isa sa mga myembro ng The CompanY na si Moy Ortiz sa isang MYXclusive interview.
“Ultimately ang ‘Disco Plantito, Disco Plantita,’ ay isang song of hope sa kabila ng matinding hirap na tinatamasa ngayong pandemya,” dagdag ni Moy na siyang sumulat ng lyrics kasama si Edith Gallardo.
Itatampok ang kanta sa isang bagong musical ng Pinoy Playlist Music Festival 2021 na pinamagatang “Da Pinoy Pandemic Palabas,” na mapapanood na sa November 6 sa YouTube at Facebook.
Ito rin ang magsisilbing lead single ng ika-29 album ng The CompanY na kasalukuyan nang binubuo sa ilalim ng Star Music.
Bukod kay Moy (tenor2/bass), kasama rin sa tanyag na quartet sina Sweet Plantado (soprano), Annie Quintos (soprano/alto), at OJ Mariano (tenor).
Sumayaw na sa tunog ng “Disco Plantito, Disco PLantita” ng The CompanY na mapapakinggan na ngayon sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).