Nagningning ang mga artista at pelikula ng ABS-CBN sa 36th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Movies kamakailan lang, sa pangunguna ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye.”
Tinanghal na Movie of the Year ang highest grossing Filipino movie of all time samantalang tumanggap din ng iba-ibang parangal ang mga naging bahagi nito tulad ng mga bidang sina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kinilalang Movie Love Team of the Year at direktor na si Cathy Garcia-Molina na nagwagi bilang Movie Director of the Year.
“Taos-puso pong pasasalamat sa PMPC Star Awards for this honor, for this recognition of Hello, Love, Goodbye as Best Movie of the Year for 2020. We share this award of course to the millions of people who saw the film and supported the movie. We’re just so grateful that we were able to finish this film and share it to the world before the pandemic happened,” sabi ni ABS-CBN Film Productions, Inc. managing director Olivia Lamasan.
Dagdag pa niya, “This serves as an inspiration na kahit ano’ng mangyari sa amin sa ABS-CBN Star Cinema patuloy kaming gagawa ng mga de kalidad na pelikula para sa ating industriya, para sa ating mga manonood, at para sa buong mundo.”
Samantala, Movie Screenwriter of the Year naman ang mga manunulat sa likod ng “Hello, Love, Goodbye” na sina Cathy, Carmi Raymundo, at Rona Co, habang Movie Actor of the Year si Alden, at Movie Supporting Actress of the Year naman si Maricel Laxa.
Movie Actress of the Year naman para sa pagganap niya sa “Jesusa” ang beteranang aktres na si Sylvia Sanchez na kasalukuyang napapanood sa teleseryeng “Huwag Kang Mangamba.”
Nakasungkit din ng panalo si Maria Rowella Talusig bilang Movie Production Designer of the Year para sa pelikulang “Quezon’s Game” habang Indie Movie Cinematographer of the Year naman si Tey Clamor para sa Cinema One Originals movie na “Metamorphosis.”
Para sa ibang balita sa ABS-CBN Corp., i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.