Tambalang Gerald and Julia in “Between Maybes”

Sa mga magkasintahan minsan ay dumarating ang hindi pagkakaunawaan kaya nauuwi sa hindi magandang kalagayaan. Sa pinakabagong pelikula ng Black Sheep na “Between Maybes”, gustong iparating ng ating butihing Direktor Jason Paul Laxamana ang kwento ng dalawang tao na gustong masumpungan ang kalayaan, at ito’y kanilang nakamtan sa di inaasahang pagkakataon o lugar.

Ito ang kauna-unahang tambalang Gerald Anderson at Julia Barretto sa “Between Maybes” na kinunan sa ibat-ibang lugar sa Saga Japan. Dito iikot ang kwento sa katahimikan at kalmang maoobserbahan sa lugar.

Gaganap bilang Hazel si Julia Barretto na isang aktres na nakakaranas ng matinding pagsubok sa kanyang career. Napagdesisyunan niya na lumisan at lumayo sa magulong buhay niya sa Maynila. Lumipad siya papuntang Japan at napadpad sa lugar na prefigure ng Saga sa Japan. Makikilala n’ya si Louie (Gerald Anderson) na gusto ring mamuhay na mag-isa upang makalimutan ang problemang nangyari sa kanyang pamilya.

“Practical affair” ang mamumuo sa pagitan ng dalawa.Dahil sa nag-iisa lang si Hazel sa lugar na di nya alam, pakikiusapan niya si Louie na kung maaari alalayan niya paminsan-minsan.Sa kabibuhan ni Hazel, masusumpungan ni Louie ang saya at break ng kanyang pangungulila. Sa gitna ng katahimikan ng lugar kung saan sila namumuhay.Mararamdaman ang saya at maiibsan ang lungkot nina Louie at Hazel sa kanilang pakikitungo sa isat-isa na siyang bagay sa punto ng kanilang buhay ngayon. Alam nilang langit ang pagitan at kailangan tanggapin na may mga bagay na tinatangi at hindi nagtatagal.

Tinanggap nina Gerald at Julia ang karakter sa “Between Maybes” dahil sa nakikita nilang may similaridad ang kanilang role sa totoong buhay. Minsan ng ginawa ni Gerald ang takasan at mamuhay ng tahimik sa paraang makalimutan ang problema kahit saglit lang. Gayun din si Julia ng umalis siya papuntang South America para masumpungan ang saya at kapayapaan sa buhay.

Nag workshop ang dalawa (Gerald & Julia) kasama si Direk Jason Paul Laxamana para mapagaralan nang husto ang kani-kanilang karakter sa “Beteen Maybes”. Sinyuting ang pelikula sa gitna ng Sakura sa Japan. Lubos na tahimik ang lugar ng Saga dahil siguro sa kakaunti lang ang mga nakatira doon, at ito’y nakatulong sa kakaibang layer ng kwento nina Luoie at Hazel. Isang makabagong kanta ni Rico Blanco na “Your Universe” ang ginawa para sa pelikula na ni-record ni Acel, na dating bokalista ng Moonstar 88.

Sa kabila ng ingay ng paparating na eleksyon at bakbakan ng mga superhero sa mga sinehan, hinahandog ng Black Sheep at Direk Jason Paul Laxamana ang “Between Maybes” sa mga gustong takasan ang lungkot ng buhay at masumpungan ang kapayapaan. Kwento ito tungkol sa pagkakataong lilipas lang pero hindi makakalimutan. Ipapalabas ang pelikulang “Between Maybes” sa mga sinehan sa darating na May 15, 2019.

WAZZUP PH EXCLUSIVE INTERVIEW

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button