Sinag Maynila Independent Film Festival ay isang pinagsamang puwersa ng Solar Entertainment Corporation. President Mr. Wilson Tieng at ang batikan at pinarangalang filmmaker na si Mr. Brillante Mendoza na nagnanais na suportahan ang mga lokal na independiyenteng sinehan, gayundin ang magbigay ng inspirasyon, pagtuturo at pagpapaliwanag sa mga manonood ng pelikulang Filipino.
Ang apat na pangunahing awards, tulad ng Best Picture, Best Director, Best Cinematography, at Best Editing ay ang pelikulang “PAILALIM”, sa direksiyon ni Direk Daniel R. Palacio, siya rin ang nakakuha bilang Best Director. Nakakuha naman ng Best Screenplay, ay ang “Jino To Mari” (Joselito Alterejos, at John Bedia). Sa Best Production Design “Jesusa” (Cyrus Khan), Ang Best Musical Score naman “Jino To Mari” (Richard Gonzales), Sa Sinagmaynila Special Citation “Marian” (Brian Patrick Lim), Special Jury Prize “Jesusa” (Ronald Arballo), Best Sound “Person of Interest” (Junel Valencia), Best Documentary “Entablado”(Lie Rain Clemente & Nori Jane Isturis), 1st Best Short Film “Panaghoy” (Alvin Baloloy), 2nd Best Short Film “Memories of the Rising Sun” (Lawrence Fajardo), & 3rd Best Short Film “Ngiti ng Nazareno” (Louie Ignacio), at ang prestihiyosong Sinag Maynila Box-office Award “Jino To Mari” (Joselito Altarejos). SM People’s Choice Award “Akin ang Korona” (Zig Madamba Dulay).
Sylvia Sanchez ng “Jesusa” at Angela Cortez, ng “Jino To Mari” ang nakabingwit bilang Best actresses.
Ang Best Actor naman ay iginawad kay Nar Cabico para sa “Akin ang Korona”.
Ang annual Sinag Maynila Gabi ng Parangal ay ginanap nitong nakaraang Lingo ng gabi, April 7, 2019 sa Conrad’s Hotel SM Mall of Asia Pasay City.