RS/SACHZNA, TAMPOK SA BAGONG “BAWAL MA-STRESS DRILON”

Makikipagkwentuhan ang “Bawal Ma-Stress Drilon” host na si Ces Drilon sa actor-businessman na si RS Francisco at social media celebrity Sachzna Laparan sa susunod na episode ng programa na mapapanood sa Nobyembre 23 (Lunes), 9:30 pm. 

Baon ng dalawa ang mga inspiring na kwento tungkol sa kani-kanilang business ventures at kanilang kolaborasyon na mapapanood sa nalalapit nang ilunsad na music video ng awiting “So In Love.”

May pagkakataon muli ang Kumu live streamers na maging co-host ni Ces at makipag-chikahan sa mga bisitang sina RS at Sachzna sa pamamagitan ng pag-iipon ng pinamaraming Stress Drilon virtual gifts.

Makakatanggap din ang mga magwawagi ng Ces.Style specs mula sa Peculiar Eyewear, ang nangungunang brand ng glasses online. Mananalo rin sila ng Luxxe White at Instabright Body Crème mula sa Front Row.

Isa ang “Bawal Ma-Stress Drilon” sa mga patok na online show sa FYE Channel sa Kumu. Bumisita na rin sa programa sina Manila Mayor Isko Moreno, MayMay Entrata, Gardo Versoza, Jose Mari Chan at Boy Abunda, na kamakailan ay naglunsad ng kanyang sariling Kumu show na “The Best Talk.” 

Mag-download na ng Kumu app at sundan ang @fyechannel para sa pagkakataong maging co-host ni Ces sa susunod na episode ng “Bawal Ma-Stress Drilon.” Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (@abscbnpr) at bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button