RAPHAEL BOSANO, ITATAMPOK ANG ISANG BOHOLANO ARTIST NA KINIKILALA NA ABROAD SA “TAO PO”

Magbibigay ng inspirasyon sa mga manonood ang kuwentong hatid ni Raphael Bosano tungkol kay Elvin Vitor, isang Boholanong pintor na kinikilala na abroad dahil sa kanyang mga obra sa kabila ng problema sa mata ngayong Linggo (Abril 21) sa “Tao Po.”

Ipinapamalas ni Elvin sa kaniyang mga sining ang kanyang mahal na bayan ng Bohol, habang binabahagi ang mga kwento sa likod ng mga ito. Kamakailan lamang, ginawaran ang 29 na taong gulang na manlilikha ng Leonardo da Vinci International Prize Award sa Milan, Italy. 

Samantala, ibibida naman ni Bernadette Sembrano ang content creators na ‘The Aguinaldos,’ na mag-inang sina Leonida at Lester Aguinaldo, na naging kilala sa social media dahil sa kanilang nakatutuwang mga biruan. Ibinahagi ng mag-ina ang mga hamon na kanilang hinarap bilang mga content creators, kabilang ang desisyon ni Lester na talikuran ang kaniyang dating propesyon bilang isang lisensyadong arkitekto upang maglaan ng oras sa content creation.

Sa kabila ng mga posibleng batikos, naniniwala si Lester na ito ang isa sa mga pinakamagandang desisyon na kaniyang ginawa dahil nagagawa niya ang trabaho nang kasama ang mga mahal sa buhay. 

Ipapakita naman ni Kabayan Noli de Castro kung paano mag-alaga ng tilapia sa Pampanga, kung saan natuklasan niya ang mga pagsubok na hinaharap ng mga magsasaka para matugunan ang mataas na demand sa isa sa mga paboritong ulam ng Pilipino.

Abangan ang mga makabuluhang kwentong ito ngayong Linggo (Abril 21) sa “Tao Po” ng 6:15 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News’s YouTube Channel, at iWantTFC.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button