Gulo ang dala ng bagong karakter ni Rafael Rosell bilang isang mayamang negosyante na magdudulot ng tensyon sa pagitan ng pekeng faith healer na si Deborah (Eula Valdes) at mayor na si Simon (Nonie Buencamino) sa “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Sa construction business ni Diego (Rafael) hihingi ng tulong si Deborah para sa pagpapatayo ng kanyang healing dome sa Hermoso. Ngunit manggagalaiti sa galit si Deborah dahil malalaman niya kay Diego na humingi na rin ng donasyon sa kanya ang tauhan ni mayor Simon na si Tomas (Dominic Ochoa) para sa simbahang pinapatayo nina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz).
Dahil sa rebelasyong ito, tuluyang mawawalan ng tiwala si Deborah kay mayor Simon, tatalikuran ang suporta nito, at iimpluwensiyahan ang apo nitong si Miguel (RK Bagatsing) na kalabanin ang sarili niyang lolo.
Pareho namang walang kamalay-malay sina Deborah at mayor Simon na si Diego ay ang sikretong kasintahan ni Miguel at na ilang taon nang tinatago ng dalawang lalaki ang kanilang relasyon.
Magtagumpay kaya si Deborah sa kanyang mga plano? Paano magbabago ang kampanya ni Miguel sa sa pagka-alkalde gayong lumiit na ang mga mundo nila ni Diego?
Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Huwag Kang Mangamba.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.