Dama na ang Miss U fever dahil sa mainit na suporta ng Pinoy pageant fans para sa pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo sa “69th Miss Universe Competition” na ihahatid ng ABS-CBN nang live sa A2Z sa Mayo 17, 8 am.
Sa Hard Rock Hotel sa Amerika, pinapakita ng pageant fans ang suporta nila sa kanilang mga manok, kabilang na ang Pinoy fan na si Jan Quijano na matiyagang nag-aabang kay Rabiya Mateo sa hotel lobby. Bawat rampa ni Rabiya saang sulok ng hotel, nakukunan niya.
Kwento ni Quijano kay MJ Felipe para sa “TV Patrol,” first time niyang magbuhos ng suporta para sa isang pageant queen at na-star struck ito noong makita na si Rabiya.
Dagdag pa niya, “According to the Venezuelan fans, Rabiya is like a combo. A combination of Megan Young and Pia Wurtzbach at nafe-feel nila ‘yung 2015 edition. ‘Yung ang daming magaganda, pero may lilitaw at lilitaw na isa.”
Pinuri naman ng netizen na si @Nio9048961 si Rabiya. Aniya, “a phenomenal woman with a heartfelt beauty!”
Todo rin ang puri ni @yellowhawt sa Twitter. “Grabe ngayon lang ako naging ganito ka hyped sa isang beauty queen. Rabiya Mateo is worth stanning because of her beauty inside and out.”
Samantala, pasabog din ang inaabangang national costume ni Rabiya dahil ang ‘missing piece’ nito na bitbit ni Miss Universe Philippines national director Shamcey Supsup ay isang alay sa namayapang Pinoy designer na si Rocky Gathercole. Ito raw ang huling project na ginawa ng designer bago pumanaw.
“Noong nakita ko it’s like, fly high Philippines,” iyan ang matipid na pahayag ni Miss Universe Philippines creative and events director, Jonas Gaffud.
Suportahan ang pambato ng Pilipinas at saksihan ang koronasyon ng bagong Miss Universe sa paghahatid ng ABS-CBN sa “69th Miss Universe Competition” LIVE mula sa Florida, USA sa A2Z sa ika-17 ng Mayo, 8 am. May replay din ito sa A2Z sa 10:30 ng gabi.
Mapapanood din ang replays nito sa cable via Kapamilya Channel at online via iWantTFC sa Mayo 23, 9:45 pm. May replays din ang Miss Universe sa Metro Channel sa Mayo 24 (12 nn at 10 pm), Mayo 26 (5 pm), at Mayo 29 (8:30 am).