Manatiling konektado anuman ang mangyari. Iyan ang sigaw ng “Pinoy Big Brother Connect,” ang ika-siyam na season ng “PBB” na mapapanood na simula ngayong Linggo (Disyembre 6) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at Kumu.
Kahit pa may pandemya, hindi dapat tumigil ang pag-abot sa pangarap tulad ng 14 na opisyal na housemate na napiling maging bahagi ng pinakamahaba at pinakamalaking reality show sa bansa. Makakasama ng sambayanan sa pagsubaybay sa teleserye ng totoong buhay ang mga host na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Kim Chiu, Melai Cantiveros, Enchong Dee, at Richard Juan.
Simula Lunes, unti-unti nang pinakikilala ang housemates na napili ni Kuya mula sa mahigit 177,000 na nag-audition sa Kumu mula sa buong mundo. Kabilang sina Andrea Abaya (Ang Cheerdance Sweetheart ng Parañaque), Justin Dizon (Ang Courageous Cabalen ng Pampanga), Jie-Ann Armero (Ang Kwelang Fangirl ng Sarangani), Kobie Brown (Ang Charming Striker ng Parañaque), Chico Alicaya (Ang Striving Footballer ng Cebu), Mika Pajares (Ang Single Momshie-kap ng Bataan), Ella Cayabyab (Ang Ra-kweentera ng Quezon), at Kyron Aguilera (Ang Shy Biker Boy ng Butuan). Sa mga susunod na araw makikilala na rin sina “Alluring Accountant ng Australia,” “Bunsong Boksingero ng General Santos City,” “Miss Malakas ng Misamis Oriental,” “Military Son ng Palawan,” “Makatang Marikit ng Pangasinan,” at “Dong Diskarte ng Zamboanga Del Sur” sa Kumu, “It’s Showtime,” at “TV Patrol.”
Pawang mga miyembro ng Gen Z at millennials ang housemates ni Kuya sa “PBB Connect,” na haharap sa mga task na magbibigay inspirasyon sa lahat na “kumunect” sa sariling kakayahan, “kumunect” sa pamilya, at “kumunect” sa lipunan. Upang siguraduhin ang kanilang kaligtasan, dumaan sila lahat sa medical, psychological, at COVID-19 exams bago naging opisyal na housemate.
Hatid ng ABS-CBN at Kumu ang “PBB Connect,” na magbibigay ng kakaibang experience dahil anumang oras at saan man ay maaaring maging konektado sa programa. Pwedeng subaybayan ang masayang livestream sa Kumu kasama ang hosts. Dito rin mapapanood ang ekslusibong 24/7 livestream ng “PBB Connect.”
Samantala, handang-handa na ring “kumunect” ang mga nagbabalik at bagong host ng “PBB.” Si Toni ang makakasama sa “PBB Connect” sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live, habang sina Robi at Bianca naman ang ka-bonding sa “Kumunect Tayo” Primetime Show sa Kumu.
Sina Enchong and Melai naman ang mangunguna sa “Kumunect Tayo” Afternoon Show, habang si Kim ang makakasama sa mga special ganap ni Kuya. Si Richard naman ang bahala magbigay sa updates at pakulo sa Facebook, YouTube, at Twitter ng PBB.
Bahagi rin ng “PBB Connect” ang ex-housemates na sina Kiara Takahashi, Shawntel Cruz, Jem Macatuno, at Lie Reposposa, bilang mga manunulat at tagapag-awit ng official soundtrack ng season na ito na “Connected Na Tayo.”
Para sa updates, bumisita lang sa https://app.kumu.ph/PBBabscbn, i-follow ang “PBB” sa Facebook (PBBABSCBNTV), Twitter (PBBABSCBN), at Instagram (PBBABSCBNTV), at mag-subscribe sa YouTube (Pinoy Big Brother). Para sa iba pang balita, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.