Ginanap noong ika-26 ng Oktubre taong 2021 ang grand media conference na pinangunahan ni DJ Jhai Ho para sa magaganap na unang sibling’s concert ng PPOP groups, BINI at BGYO na pinangalanang “One Dream” sa darating Nobyembre 6 at 7 ng taong 2021.
Naging pasabog ang unang parte ng nasabing Grand Mediacon dahil #27 trending na agad ito, worldwide. Samantalang #1 trending ito sa Twitter sa Pilipinas.
Binubuo nina Maraiah Queen Arceta, Nicolette Vergara, Mary Loi Ricalde, Gweneth Apuli, Stacey Aubrey Sevilleja, Mikhaela Lim, Jhoanna Robles, at Sheena Mae Catacutan ang grupong BINI.
Samantalang binubuo naman nina Gelo Rivera, Akira Morishita, JL Toreliza, Mikki Claver, at Nate Porcalla ang BGYO.
Isang tanong mula sa Wazzup.PH, kinukumpara nga ba ng BGYO ang kanilang grupo sa mga K-POP Artists?
“We don’t compare kasi may sarili naman po kaming identity pero when it comes to K-pop artists, hindi naman natin madedeny talaga na sobrang talented nila saka sobrang patok siya sa buong mundo. And, siguro tinetreat namin siya as healthy competition kasi hindi kami nagsesettle dito sa local scene lang, and wala, ‘yun ang gusto naming goal ever since is to go worldwide.”
Gelo, BGYO
Magkaroon ng contribution sa P-pop, at madala ito sa international scene ang tanging hangarin ng dalawang grupo.
Karagdagang tanong mula sa Wazzup.PH ay kung ira-rank nila between 1-10 ang kanilang excitement sa papalapit na concert, paano nila ito ira-rank?
Ten!
BINI and BGYO Members
Sabay-sabay na sagot ng mga miyembro ng dalawang grupo.
Bumisita rin sa studio sina AC Bonifacio at Darren Espanto habang ginaganap ang Grand Mediacon ng One Dream ng BINI at BGYO.
Magpopokus muna sa kanya-kanyang mga grupo ang dalawang PPOP group at sama-sama nilang aabutin ang kanilang pangarap. Ngunit, sila ay nagpapasalamat sa oportunidad kung may mag-aalok man sa kanila magsolo career.
Maaari kayong bumili ng tickets para sa One Dream: The BINI & BGYO Concert sa ktx.ph. Dalawang araw ang kanilang concert at iba-iba ang pasabog sa bawat araw.