Matapos ang higit dalawang dekadang pag iinda ng pagkalumpo, malalaman na ng tatlong magkakapatid mula sa Tagkawayan, Quezon ang katotohanan sa likod ng kanilang misteryosong sakit sa tulong ni Kabayan Noli de Castro sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan” ngayong Linggo (Hulyo 10).
Sa labing isang magkakapatid, sina Manolito, PJ, at Ramil ang pawang minalas na dinapuan ng hindi maipaliwanag na sakit na naging dahilan upang hindi sila makalakad.
Dinala ni Kabayan ang magkakapatid na Mendoza sa isang espesyalista na tumulong sa kanila upang maipaliwanag ang karamdaman at kung may pag-asa pa bang makalakad silang muli.
Samantala, bumisita rin ang beteranong mamamahayag sa isang farm ng kambing at tupa sa Gerona, Tarlac. Nalaman ni Kabayan kung paano sinimulan ni Jeffrey Lim ang JSJ Goat Farm na dati ay meron lamang anim na kambing at kung paano nito pinalago ang kanyang negosyo.
Huwag palampasin ang mga kwentong ito sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan,” tuwing Linggo, 5 pm bago ang “TV Patrol Weekend” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, news.abs-cbn.com/live, ABS-CBN News’ Channel sa YouTube, TeleRadyo, at A2Z.
Para sa karagdagang balita, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.