MGA EMPLEYADO NG BANGKO, PANALO NG P1 MILYON JACKPOT SA “EVERYBODY, SING!”

Muling nangibabaw ang bayanihan at saya dahil may nanalo na muli ng jackpot prize na P1 milyon sa community singing game show ng ABS-CBN na “Everybody, Sing!” noong Linggo (Oktubre 16). 

Nagwagi ang songbayanan ng mga empleyado ng bangko ng P1 milyon na kanilang paghahatian matapos mahulaan ang 10 kanta sa jackpot round ng game show ni Vice Ganda.  

Sa kanilang nalikom na 69 segundo, nagamit ng bank employees ang 50 segundo upang matagumpay na mahulaan ang lahat ng kantang pinatugtog ng bandang Six Part Invention. Sila rin ang pangalawang songbayanan na naging jackpot winner sa season two ng palabas. 

Samantala, noong Sabado (Oktubre 15) naman ay masaya ring umuwi ang songbayanan ng mga mananahi matapos silang makalikom ng P100,000. 

Dapat talaga ay P90,000 lamang ang paghahatian ng mga mananahi dahil siyam sa 10 kantang pinahulaan sa jackpot round lamang ang kanilang tamang nasagot. Pero nanaig ang butihing puso ni Vice nang dagdagan niya ng P10,000 ang kanilang premyo. 

Nagtala rin ulit ng trending topics nationwide ang latest episodes ng “Everybody, Sing!” noong weekend.  

Orihinal na konsepto ng ABS-CBN ang community singing game show na “Everybody, Sing!” na naging nominado sa Venice TV Awards at Asian Academy Creative Awards noong 2021.  

Anong sektor kaya ang susunod na makakakuha ng jackpot prize? Abangan sa “Everybody, Sing!” tuwing Sabado at Linggo, 7 pm (Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z), 9:30 pm (tuwing Sabado sa TV5), at 9 pm (tuwing Linggo sa TV5). Available rin ito sa iWantTFC, at TFC IPTV.  

Para sa latest tungkol sa “Everybody, Sing!” i-follow ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para naman sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button