Maymay gumanap bilang Beauty Queen sa MMK


Maymay Entrata poster as a beauty queen in MMK
Maymay place the role of Aeta beauty queen

Magbibigay ng inspirasyon sa mga kababaihan si Maymay Entrata sa kanyang pagganap bilang ang Aeta beauty queen ng Mariveles, Bataan na si Judith Manap, na hindi lamang buong tapang na hinarap ang diskriminsayon, kundi tumulong pa sa kanyang sariling kababayan, ngayong Sabado, (30 Marso) sa “MMK.” 

Buong buhay naranasan ng pamilya ni Judith (Maymay) ang pangungutya dahil lamang sa kulay ng balat nito. Ngunit nang magkaron ng pagkakataon para lumahok at kumatawan sa kanyang tribo sa “Mutya ng Biaan”, natuto itong magkaron ng ng lakas ng loob upang magpursige sa buhay.

Hindi nakapag-aral ang kanyang mga magulang na sina Jocelyn (Mercedes Cabral)  at Henry (Nyoy Volante),  kaya naman tinuruan siya ng mga ito na unahin ang pag-aaral. Mismong ang kapatid nito na si April (Mara Lopez) ay tumigil sa pag-aaaral upang makaya ng pamilya ang pag-aralin si Judith.

Isang araw, naaanyayaan si April na sumali sa “Mutya ng Biaan“ para kumatawan sa kanilang tribo sa unang pagkakataon. Nang makita ni Judith ang pagtanggap ng ibang tao sa kapatid, napukaw ang pagnanasa nitong sumali rin.

Ngunit mas sinunod ni Judith ang payo ng magulang na unahin ang pag-aaral. Nagpursige si Judith at tinapos ang Grade 10 at nagtungo sa Balanga, Bataan para doon ipagpatuloy ang pag-aaral. Sa kanyang paglipat, naranasang muli ni Judith ang pangungutya ng ibang tao dahil sa kanyang kulay. Nakonsiyensya lamang ito nang malaman ang mga sakripisyong ginawa ng buong pamilya sa dahil sa mataas ang pangarap ng mga ito para ka kanya.

Nang magkasakit ang ama, hindi naman nag-atubiling tumigil si Judith para makapagtrabaho at maka-ipon ng pambayad sa mga gamot ng ama.  

Magbabago ang kanyang buhay nang siya naman ang maanyayaang sumali sa “Mutya ng Biaan.” Determinadong pinasok ni Judith ang timpalak dahil alam niyang kapag siya’y manalo, hindi lamang niya matutulungan ang pamilya kundi maipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaaral.  

Nagwagi si Judith at tinanghal na “Mutya ng Biaan” at mataas ang naabot sa “Mutya ng Mariveles” 2019. Ginamit ni Judith ang premyong salapi upang bigyan ang kanyang kapwa-Aeta ng pagkaing hindi nila laging natitikman. Balak rin Judith na sa pagtatapos ng kanyang paghawak ng korona, ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaaral.

Kasama sa episode na ito sina Erika Clemente, Josh De Guzman, Amy Nobleza at Sue Prado. Idinirehe ito ni John Lapus at isinulat ni Akeem del Rosario.

Huwag kalimutang panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK,” tuwing Sabado sa ABS-CBN. Para sa mga update, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o magpunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Sa palagay nyo bagay ba ang role na ito kay Maymay? Please comment below.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button