Mapapanood ang mga educational shows base sa fourth grading period curriculum

Tuloy-tuloy sa pag-aaral ng mga batang Filipino habang isang buwang namamalagi sa kanilang mga bahay at makahahabol na sila sa mga leksyon ng fourth grading period sa simpleng pagnonood sa Knowledge Channel (SKYcable Channel 5, SKYdirect Channel 19, ABS-CBN TVplus Channel 7) sa ilalim ng “Edukalidad sa Kalamidad Emergency Education Program.”

Kung ang inyong anak ay nasa elemntarya, matututo sila ng Math sa tatlong programa: ang “MathDali” kung saan si Robi Domingo at ang kanyang mga kaibigan ay gagamit ng pang-araw-araw na sitwasyon bilang example sa pag-solve ng Math problems, ang “Solved!” isang intermdiate Math show sa English, at ang inyong kinalakhang “Mathtinik” para sa grades 1-6.    

Lahat naman ng mahilig sa Science at Technology ay magkakaroon ng pagkakataong mapanood ang paboritong progamang unang umere noong 90s tampok ang mga eksperimentong kakaiba sa “Sineskwela.” Ang mga kabataan namang may interes sa lengwahe at wika ay matututo ng simpleng English na magagamit sa pangaraw-araw na mga sitwasyon sa kwelang mga tagpo sa “Epol Apple” at “Karen’s World,” habang mas magiging masaya naman ang pag-aaral ng pagbasa sa “Wikaharian,” ang programang pinaghalo ang 2D animation, mga nakakaaliw na mga puppet at at mga kwentong kapupulutan ng aral.

Magiging mas interesting naman ang pag-aral ng Araling Panlipunan sa pagtutok sa “Pamana,” “Wow,” “Kasaysayan TV” at “Salam.”   

Ang mga mas pre-schoolers at kindergarten kids ay pwedeng maki-awit habang natututong magbilang at magrecite ng alphabet sa “Awit, Titik at Bilang na Pambata” o “ATBP” at matututo ng tamang pag-unawa, pakikinig, pagbabasa at pagbibilang sa animated series na “Kwentong Pambata.” 

Samantala, mapapanood naman ng mga high schoolers ang “K-High,” ang unang animated program ng Knowledge Channel tungkol sa pang-araw-araw na buhay ng limang mag-aaral ng high school at kung paano nakakatulong ang konsepto ng Math sa kanila, at ang “K-Hub,” na isang series naman para sa Science.  

Pwede rin nilang sundan sina Maymay Entrata at Khalil Ramos sa mga pambihirang tagpo tungkol sa kalikasan sa “Puno ng Buhay,” at matuto naman ng mga teknikal at bokasyonal na kaalaman sa “Pamilya Masigasig.”

Mauunawaan ng mga magulang ang pang-araw-araw na hirit ng kanilang mga anak na sa show nina Mitch at Gab, na”Gab to Go.” Mga lessons sa English at gender equality ang hatid ng palabas na ito.

Para sa kumpletong schedule ng mga programa, maaaring bumisita sa Knowledge Channel website na www.knowledgechannel.org at sa Facebook pages na: /knowledgechannel at /knowledgechannelfoundation. Ma-aacess at ma-dodownwnload online ang mga programa sa www.knowledgechannel.org at sa official YouTube Channel na /knowledgechannelorg.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button