MAGIGITING NA MGA BUMBERO, BIBIGYANG PUGAY NI ANGEL SA “IBA YAN”

Inspirasyon mula sa kabayanihan ng mga volunteer firefighter ang mapupulot ng mga manonood sa pagbisita ni Angel Locsin sa Central Fil-Chinese Fire Rescue and Civic Welfare Association Inc. ngayong Linggo, sa “Iba ‘Yan,” 6:30 ng gabi sa A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV. 

Ang volunteer fire brigade na ito ang isa sa mga grupong tumutulong sa Bureau of Fire Protection na punan ang kakulangan ng mga bumbero sa bansa.    

Ito ay binuo ng Filipino-Chinese businessman na si Henry Sin noong 2015, bilang personal na adbokasya matapos siyang atakihin sa puso. Marami na ring napukaw sa misyong ito ni Henry, isa na dito ang kanyang anak na si Hendrick, na ngayon ay fire chief na ng brigada. Sa kasalukuyan, may 25 volunteer members na ang grupo.    

Nagsasagawa na rin sila ng mga outreach program tulad ng pagtuturo ng fire safety at pamamahagi ng mga donation sa mga orphanage at ibang civic institution.   

Mahirap itaguyod at ipagpatuloy ang volunteer fire brigade dahil sila-sila rin ang sumusuporta dito, kaya naman minabuti nina Angel at Team “Iba Yan” na abutan ng tulong ang grupo. 

Makakasama din ni Angel ngayong linggo si Kitkat sa kanilang pangangamusta sa mga volunteer firefighters. 

Alamin ito at kung paano patuloy na matutulungan ang grupo ngayong Linggo sa “Iba Yan,” na mapapanood  A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at sa labas ng Pilipinas sa at The Filipino Channel.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button