KYLE VELINO MALAKI ANG PASASALAMAT SA “GAMEBOYS”

Isang malaking blessing para kay Kyle Velino ang magkaroon ng kabi-kabilang proyekto sa kabila ng pandemya.

Matapos ang kanyang proyektong Killer Bride sa ABS-CBN at Paano ang Pangako sa TV5, nagpapasalamat ang aktor para ipagkatiwala sa kanya ang role sa series at pelikula ng Gameboys na nakakuha ng ng most number of tickets sold sa KTX.ph nang ipalabas ito sa unang Linggo.

Ginampanan ni Kyle ang karakter ni Terrence Carreon, ang ex-boyfriend ng main lead na si Gavreel Alarcon (role ni Kokoy de Santos). Si Terrence ang third wheel at ka-love-triangle sa Gavreel at Cairo (aka Elijah Canlas) team-up.

Ayon kay Kyle, mahirap ang virtual shoot na talagang sumubok ng kanyang kakayanan bilang isang aktor. “Ang hirap bumuo ng chemistry kapag hindi mo nakikita yung ka-eksena mo pero naging maayos naman ang transition noong ginawa namin ang movie”,” aniya ng aktor. 

Nagbunga ang pagod at hirap ng binata at hindi akalain ni Kyle na magiging maganda ang resulta ng kanyang pinagpaguran at naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga supporters ng nasabing BL series.

“Sobrang thankful ako dahil naging maganda outcome ng Gameboys at minahal naman nila ang character ko as Terrence. Salamat sa lahat ng sumuporta,” said Kyle.

Slowly but surely, natutuwa siya sa takbo ng kanyang karera at mas gusto niya pang makagawa na maraming proyekto, sa pelikula at telebisyon, para mas lalo pa niyang maipakita ang kanya versatility bilang aktor.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button