“KUMU STAR KA” AT “MAGANDANG KABUHAYAN” MAPAPANOOD NA SA JEEPNEY TV

Ipapalabas na sa Jeepney TV ang showbiz-oriented talk show na “Kumu Star Ka” kasama si Ahwel Paz at ang programang may dagdag-kaalaman sa pagnenegosyo na “Magandang Kabuhayan” tampok ang tax whiz na si Mon Abrea simula Marso.  

Pangungunahan ni Ahwel ang “Kumu Star Ka” kung saan itinatampok ang mga pinakamaiinit na artista, music artists, at iba pang personalidad sa masayang kwentuhan tuwing Linggo, 3:30 pm simula Marso 7.

Bibida na rin sa Jeepney TV ang “Magandang Kabuhayan,” isang talk show na pinangungunahan ni Mon na tinatalakay ang mga usapin tungkol sa pagnenegosyo para maghatid ng pag-asa sa Pinoy entrepreneurs tuwing Sabado, 4 pm simula sa Marso 13.

Napapanood din ang “Kumu Star Ka” at “Magandang Kabuhayan” sa For Your Entertainment o FYE channel sa Pinoy livestreaming app na kumu, na pwedeng ma-download mula sa Google Play Store at Apple App Store sa mobile phones.

Samantala, dapat ding abangan ang pagbabalik ng ilang minahal na Kapamilya series gaya ng “Nathaniel” nina Gerald Anderson, Marco Masa, at Coney Reyes Lunes hanggang Biyernes tuwing 9:30 am. Mapapanood na rin ulit si Anne Curtis bilang “Dyosa” simula sa Marso 8 (Lunes), 8am.

Swak din ang muling pag-ere ng 2018 drama series ng trending tandem na JoshLia na “Ngayon at Kailanman” sa Jeepney TV 9:30 am simula sa Marso 28 (Linggo). Sa Marso 29 (Lunes) naman, mapapanood na ulit ang “All Of Me” nina JM De Guzman at Yen Santos tuwing 1:30 pm, na susundan ng unang primetime serye ng KathNiel na “Princess and I” pagsapit ng 5:45 pm.

Panoorin ang lahat ng ito at iba pa ngayong Marso sa Jeepney TV na mapapanood sa SKYcable channel 9, GSAT channel 55, Cignal channel 44, at iba pang provincial cable systems sa buong bansa. Sundan ang Jeepney TV sa FacebookTwitterInstagram, at TikTok, at mag-subscribe sa YouTube channel nito.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button