Sa patuloy na pagharap ng mundo sa coronavirus pandemic, handog ni Kim Chiu ang bago niyang kanta na “’Wag Kang Bumitaw” mula sa Star POP para sa mga pinanghihinaan ng loob.
“Months ago pa naming ginawa itong kanta pero parang nag-alangan ako na i-release siya,” sabi ni Kim.
Aniya, isang text message noong Biyernes Santo mula sa kaibigan niya na nagsabing malapit na siyang “bumitaw” ang nagpaalala sa kanya sa awitin.
“Sinabi ko sa sarili ko, ‘Parang meron akong kanta na tungkol sa hindi pagsuko.’ Pinakinggan ko ulit yung kanta tapos tinawagan ko yung producer ko si Rox Santos, tapos sinabi ko na ito na ‘yung tamang panahon para i-release ‘yung kanta,” dagdag niya.
Malayo sa mga tipikal na kantang inilalabas ni Kim ang “’Wag Kang Bumitaw,” na tungkol sa pagkapit at paniniwala sa plano ng Panginoon sa harap ng maraming pagsubok na kinakaharap sa buhay.
Isinulat ni Jun Lirios ang kanta at nilapatan ng musika ni Leah Negapatan. Iprinodyus naman ito ng head ng Star POP na si Rox Santos at in-arrange ni Michael “Cursebox” Negapatan. Ilalabas ang kanta sa Lunes (April 20), isang araw matapos ang birthday ni Kim sa Linggo (April 19).
“Sana ma-inspire ‘yung mga tao sa kanta na ‘wag sumuko kahit sobrang hirap ng panahon ngayon. Mahirap ‘to pero ‘pag kasama mo ang Panginoon, matatapos din ang lahat ng ito. Manalig lang at “’Wag Kang Bumitaw,” paalala ni Kim.
Hayaan si Kim na pakalmahin ang iyong puso sa tulong ng bago niyang kanta na “’Wag Kang Bumitaw,” na mapapakinggan na sa iba’t ibang digital streaming platforms ngayong Lunes (April 20). Para sa iba pang detalye, i-like ang Star POP PH sa www.facebook.com/starpopph, at i-follow ito sa Instagram (@starpopph).