KBO movies mapapanood rin sa SKY

Siguradong bawas ang pagka-inip sa bahay dahil sagot ng KBO ng ABS-CBN TVplus at SKY ang family bonding ng buong dahil ipapalabas na nito ang mga pelikulang maiinit-init pa galing sinehan tulad ng “Unbreakable,” “Block Z,” “James and Pat and Dave,” “Hello Love Goodbye,” at “Isa Pa With Feelings” ngayong Marso at Abril. 

Matapos ang isang kaguluhan, naging matalik na magkaibigan sina Mariel (Bea Alonzo) at Deena (Angelica Panganiban). Nalayo man sa isa’t isa hindi nawala ang kanilang pagkakaibigan. Ngunit nang dumating sa buhay nila ang pamilya ni Justin (Richard Gutierrez), unti-unti nang magugulo ang kanilang pinagsamahan. Masalba pa kaya nila ang kanilang pagkakaibigan? Panoorin ang “Unbreakable” simula Marso 27. 

Ang pinag-usapang zombie movie ni Mikhael Red na “Block Z” ay mapapanood na rin ng KBO viewers ngayong Abril 3. Sundan sina PJ (Julia), Lucas (Joshua), Erika (Maris), Myles, Bebeth (Dimples), at ang tatay ni PJ na si Mario (Ian), sa kanilang tangkang pagtakas at malampasan ang isang nakakakilabot na viral outbreak. 


Kilig naman ang hatid sa pamilya nina Loisa Andalio, Ronnie Alonte, at Donny Pangilinan sa sequel ng “Vince, Kath, and James” (VKJ) na “James and Pat and Dave.”  Sesentro ang pelikula sa buhay ni James (Ronnie) matapos ang  “VKJ.” Dahil sa patong-patong na mga problemang binigay niya sa kanyang ina, napagdesisyunan ng kanyang nanay na ipatapon si James sa resort nila sa probinsya. 

Dito makikilala niya si Pat, ang manager sa hostel ng kanyang lola at siyang naatasan ituwid ng kanyang ugali. Sundan kung mapagbago kaya ni Pat si Dave at kung anong papel ni Dave (Donny) sa kanyang buhay ngayong Abril 9. 

Ang highest Filipino grossing film ng bansa na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello Love Goodbye” ay mapapanood din ngayong Abril 17. Tunghayang muli ang kakaibang pag-iibigan nina Joy (Kath), isang domestic helper sa Hong Kong na pinapangarap na lumipad ng Canada para sa mas magandang kinabukasan at Ethan (Alden), isang happy go lucky na bartender na binubuo na ang permanante niyang buhay sa nasabing bansa. Sa pagkikita ng dalawa, alamin kung paano nila binago ang buhay ng isa’t-isa at silipin din ang buhay ng OFWs sa Hong Kong.

Eere naman back-to-back sa “Hello Love Goodbye” ang pelikula nina Maine Mendoza at Carlo Aquino na “Isa Pa With Feelings.” Sa unang team-up nina Maine at Carlo, matutunghayan ang kwento ni Mara, isang aspiring architect at ang kanyang kapitbahay na si Gali, na may kapansanan sa pandinig. Mas paglalapitin ng tadhana ang kani-kanilang buhay nang maging sign language teacher ni Mara si Gail. Alamin kung ano ang mangyayari sa kanilang pagkakaibigan at kung may pag-iibigan mang mabuo. 

Palabas naman ang “My Bakit List” ni Louise de los Reyes sa Abril 24. Habang nasa isang soul-searching journey, muling makikita ni Dess (Louise) si Ejay, ang kanyang ex-boyfriend siyang umiwan sa kanya nang walang paliwanag. Kung ito ay second chances o isa na namang heartbreak ay isang tanong na kanyang sasagutin.  

Maaring manood at magregister ang ABS-CBN TVplus subscribers gamit ang kahit anong prepaid o postpaid SIM. Para sa prepaid, magload  (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green/INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang box ID; at i-text ang KBO30 (date) <TVplus box ID> sa 2366.

Para naman sa mga SKYdirect subscribers, i-text ang PPV LIST to 23667 using Globe/TM. Para sa SKYcable subscribers, maaring mag-active online samysky.com.ph/kbo.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button