Dapat ba o hindi dapat dyinodyowa ang kaibigan?
Tuloy ang hugot ng iWant original anthology series na “Ampalaya Chronicles” sa isang bagong kwento ng tamis at pait tampok sina Karina Bautista at Aljon Mendoza bilang magkaibigang mahuhulong ang loob sa isa’t isa.
Pinamagatang “Labyu Hehe” ang episode tungkol sa dalawang mag-best friend na malalagpasan ang ‘friend zone’ at magiging magkasintahan. Batay ito sa spoken word piece ng “Ampalaya Monologues” book author na si Mark Ghosn.
Dito, sabay na magtatapos ng high school sina Sol (Aljon) at Peng (Karina) at parehong mamamasukan sa isang kainan bago tumuloy sa kolehiyo. Dahil magkasama sa trabaho, mas magiging malapit pa ang dalawa, ngunit pagseselosan ito ng girlfriend ni Sol at tuluyang makikipaghiwalay sa binata.
Magbabago ang lahat para kay Peng dahil bukod sa matagal na siyang may lihim na gusto sa kaibigan, magdedeklara ng pag-ibig sa kanya si Sol matapos nitong mapagtantong si Peng ang babae para sa kanya — ang tanging nakakakilala sa totoong Sol, kapareho ng mga interes, at walang bahid ng arte, hindi tulad ng kanyang ex-girlfriend.
Magiging opisyal na magkarelasyon ang dalawa, ngunit saan kaya mauuwi ang love story nila—sa happily ever o sa bitter ever after?
Ang episode na “Labyu Hehe” ay mula sa direksyon ni Isabel Quesada at produksyon ng Firestarters Production. Tampok din sa cast nito sina Reign Parani, Roxanne Guinoo, Michael Flores, Tess Bomb, and Wowie de Guzman.
Ang seryeng “Ampalaya Chronicles” ay base sa best-selling book at stage performances ng “spoken word” na “Ampalaya Monologues” ni Mark Ghosn na pumatok sa kabataan na nakaka-relate sa mga tulang dinedetalye ang sakit na dinudulot ng pagmamahal. Ang unang episode nitong “ADIK,” na pinagbidahan nina Khalil Ramos at Elisse Joson, ay unang lumabas noong Enero sa iWant.
Sumabak sa hugutan at panoorin ang “Ampalaya Chronicles: Labyu Hehe” simula Hunyo 3 sa iWant app o sa iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, o mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.