KAPAMILYA STARS, HINIRANG BILANG MOST INFLUENTIAL CELEBRITIES SA EDUKCIRCLE AWARDS

Tuloy-tuloy pa rin ang pagkilala sa mga personalidad ng ABS-CBN sa paggamit nila ng kanilang impluwensiya sa mabuting paraan matapos hirangin kamakailan sa 10th EdukCircle Awards ang walong Kapamilya stars bilang Most Influential Celebrities of The Decade.  

Pasok sa listahan ang “Iba ‘Yan” host na si Angel Locsin. Matatandaang nanguna si Angel sa maraming fundraising projects para malabanan ang COVID-19 at relief efforts sa sunod-sunod na kalamidad ngayong taon.  

Ani Angel sa kanyang acceptance speech, lahat ng tao may responsibilidad na impluwensiyahan ang kapwa na gawin ang tama.  

“I believe we all have the responsibility to influence one another – to do what is right, to lift each other up, to create awareness about important matters, and to use our voice for the voiceless.”   

Kabilang din sa listahan ng EdukCircle ang “It’s Showtime” host na si Anne Curtis pati na ang aktres na si Bea Alonzo na parehong nangako na ipagpapatuloy nila ang pagiging mabuting ehemplo sa publiko, lalo na sa kabataan.  

Nagpasalamat din sa EdukCircle dahil sa tiwala at pagmamahal sina “FPJ’s Ang Probinsyano” star Coco Martin, “The House Arrest of Us” stars Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Popstar Royalty Sarah Geronimo, at ang Unkabogable Star na si Vice Ganda para sa natatanging parangal. 

Samantala, nagningning din ang Kapamilya stars na napasama sa listahan ng Forbes Asia’s 100 Digital Stars na layuning kilalanin ang pinaka ma-impluwensiyang mga personalidad sa Asia-Pacific.  

Doble ang parangal para kina Angel, Anne, Kathryn, Sarah at Vice dahil pasok din sila sa listahang ito.  

Napansin din ng Forbes Asia si Kim Chiu dahil sa kabila ng masasakit na salita na natanggap niya sa social media dahil sa ‘bawal lumabas’ niyang pahayag, ginamit niya ang popularidad nito para magbenta ng t-shirts upang makatulong sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Maaalala ring naglabas si Kim ng kanta na hango sa kanyang viral statement na umani ng higit sa 9 milyong views sa YouTube.   

Masaya at mangiyakngiyak si Kim sa pagkilala. Aniya sa kanyang Instagram post, “I am just thankful for everything God has been giving me. My faith has been tested this year, but I never gave up on trusting his will. All in His glory! All for you, Father God! Thank you Forbes for this recognition. There is truly love and light.”   

Ang susunod na proyekto ni Kim ay ang “Bawal Lumabas: The Series” na mapapanood na simula Disyembre 14 sa iWantTFC.   

Para sa iba pang balita, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button