Pasabog ang pagdating ni Marissa (Jodi Sta. Maria) sa handaan para sa anibersaryo ng pagkamatay ni Roman at ipinakilala sa kanila ang ampon na si Jake (Grae Fernandez) bilang si Jacob—ang namatay na anak nila ni Gabriel (Sam Milby)—sa “Ang Sa Iyo Ay Akin” nitong Martes (Disyembre 8).
Hindi nagpadaig si Ellice (Iza Calzado) sa pasabog ni Marissa at linagay sa lugar ang kaaway dahil sa pang-iiskandalo nito sa espesyal na okasyon.
“Kung akala mo na makukuha mo si Gabriel gamit ang anak mo, itigil mo na dahil kami pa rin ang pamilya. At kahit kailan, hindi magwawagi ang kabit laban sa tunay na asawa,” sabi ni Ellice.
Para namang aping-api na sumagot si Marissa, “Tao akong pumunta dito, pero para niyo akong trinatong hayop.”
Samantala, maliban kay Sonya, walang kakamping nakuha si Marissa sa inumpisahan na naman niyang laban. Nang ibunyag ni Marissa sa inang Lucing (Maricel Soriano) na si Ellice ang nagtangkang magpapatay sa kanya 17 taon na ang nakakalipas, si Ellice pa rin ang pinanigan nito. “Kung ganyan ang paniniwala mo, Marissa, hindi ka na magbabago,” sabi ni Lucing.
Hanggang kailan mapaninindigan ni Marissa ang panlilinlang sa mga Villarosa? Magsimula na kayang magduda si Lucing kay Ellice?
Ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” ay likha nina Julie Anne Benitez at Dindo C. Perez.
Alamin kung mananaig ang katotohanan sa mga darating na gabi sa “Ang Sa Iyo Ay Akin,” palabas gabi-gabi, 8:40 PM sa A2Z channel.
I-scan lang ang digital TV boxes para mahanap/hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.
Palabas rin ito sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).
Mapapanood din ito Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, TFC, at iWant TFC app oiwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.