JODI/MARICEL LOSE CASE TO IZA

Dalawang beses nasawi ang mag-inang Ellice (Iza Calzado) at Belen (Rita Avila) sa mga kasong isinampa nila laban kina Marissa (Jodi Sta. Maria) at Lucing (Maricel Soriano) sa tangkang bawiin ang kanilang parte sa pagmamay-ari ng Cenidoza Pearls ngayong linggo sa “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

Noong Lunes (Enero 11) nasaksihan ng viewers ang pag-ako ni Adelina (Carla Martinez) sa panggigipit sa investors ng Cenidoza para mapunta ang shares nito kay Marissa, na naging dahilan para ito arestuhin.

Dahil dito, hindi nakuha ni Marissa ang pagnanais nitong maging major shareholder ng kumpanya.

Hindi naman natapos ang usapin sa shares ng Cenidoza nang ilaban naman ni Marissa sa korte na walang bisa ang bentahan ng shares sa pagitan ng kanyang amang si Nestor (Allan Paule) at Jorge (Lito Pimentel).

Sinubukan nilang kumbinsihin ang korte na ginipit lamang ni Jorge si Nestor lalo pa at nalaman ng ama ni Ellice ang pakikiapid ng huli kay Belen.

Ngunit kagaya ng unang kaso, napagwagian ito nina Ellice matapos sabihin ng korte na kulang ang ebidensyang hawak nito. Hindi lang alam ni Marissa na kaya binasura ang kanyang kaso ay dahil ginipit ni Cesar (Simon Ibarra) ang judge ng naturang kaso.

Samantala, tuluyan naman ng napaikot ni Belen si Ellice sa kanyang mga palad nang sampahan ng restraining order si Jake (Grae Fernandez) para mapalayo kay Hope (Kira Balinger).

Sa mga ginagawa ni Ellice, tuluyan na kaya niyang masira ang kanyang pamilya? Samantala, ano naman kaya ang susunod na hakbang ni Marissa matapos siyang matalo sa dalawang kaso?

Ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” ay likha nina Julie Anne Benitez at Dindo C. Perez.

Alamin kung mananaig ang katotohanan sa mga darating na gabi sa “Ang Sa Iyo Ay Akin,” palabas gabi-gabi, 8:40 PM sa A2Z channel.

I-scan lang ang digital TV boxes para mahanap/hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Palabas rin ito sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Mapapanood din ito Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, TFC, at iWant TFC app oiwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button