Binuksan ni Jayda ang kanyang puso at ibinida ang husay bilang singer at songwriter sa bago niyang album na “Bahagi,” tampok ang walong all-Filipino songs kung saan niya ipinakita ang iba’t ibang bahagi ng kanyang buhay.
“This is a very special album for me and it’s a milestone for myself as a songwriter, since besides it being my debut album, it’s also written all in Tagalog. English is my first language and lumaki rin ako sa Amerika, kaya malaking bagay ang mga kanta na ‘to ay naisulat sa sarili nating wika,” sabi ni Jayda sa kauna-unahan niyang solo major concert na ginanap noong Hunyo 26.
Todo ang passion at talentong ibinuhos ng bagong Star Magic artist sa buong album, na para sa kanya ay nagkukwento ng iba’t ibang parte ng buhay niya sa bawat kantang nakapaloob dito at inaasahan niyang makaka-relate din dito ang kanyang mga listeners.
Aniya, “Ang mga kantang ‘to na bahagi ng buhay ko ay ibinabahagi ko sa inyong lahat.”
Ang key track ng album ay ang ballad song na “Tunay,” na tungkol sa isang relasyon at ang halaga ng pangako sa gitna ng pagmamahalan. Si Jayda ang nag-compose ng kanta, kasama ang ama niyang si Dingdong Avanzado, may dagdag na lyrics mula kay Kyle Echarri, at prinodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.
“Sa panahon ng social media where everything is ideal, this is a song about the kind of love that I promise to give—the real kind of love,” sabi ng Kapamilya talent bago niya ipinerform ang kanta sa “Jayda In Concert.”
Kasama rin sa album ang mga kantang “TOXIC,” “Meron Na Pala,” “Sana Tayo Na,” “Paano Kung Naging Tayo?,” “M.U. (Malabong Usapan),” “Buksan,” at “Bahagi,” na karamihan ay siya mismo ang nagcompose at nagprodyus.
Makibahagi sa kwento ni Jayda sa “Bahagi” album, available na sa iba’t ibang major streaming platforms. Para sa iba pang detalye, follow Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph/), YouTube, Twitter, at Instagram (@StarMusicPH).