Anuman ang kalagayan ng puso, makaka-relate at kikiligin ang viewers sa iba’t ibang kwento ng pag-ibig ng mga pelikula at seryeng pwede nilang panoorin sa bahay ngayong Valentine’s Day sa iWantTFC streaming service.
Hatid nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang saya at sakit ng pagmamahal sa kauna-unahang iWantTFC original series nilang “Unloving U” kung saan haharapin nila ang mga hamon ng bawal na pag-ibig. Mapapanood na ito sa buong mundo simula Pebrero 8.
Madudugtungan na rin ang love story nina Xavier at Mico simula ngayong Pebrero 12 dahil magiging available na sa iWantTFC ang boys’ love (BL) movie na “Hello Stranger” na pinagbibidahan nina Tony Labrusca at JC Alcantara. Kung BL naman ang hanap, marami ring available na Thai series sa platform gaya ng “A Tale of Thousand Stars” na napapanood ng users sa Pilipinas.
Bago naman matapos ang buwan, mapapanood na rin ng Pinoy fans ang “Count Your Lucky Stars,” ang bagong romantic comedy fantasy series ng Taiwanese star na si Jerry Yan. Simula Pebrero 22, dalawang episodes kada araw ang magiging available sa iWantTFC hanggang Marso 10.
May iWant original series din para sa mga naghahanap ng bagong kwentong paghuhugutan ng aral gaya ng romcom series nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap na “Hoy, Love You!” at ang May-December love affair nina Iza Calzado at James Blake sa “Loving Emily.”
Mapapanood din ng fans ang mga paborito nilang love teams sa movies ng KathNiel na “The Hows of Us,” “Alone Together” ng LizQuen, at “Never Not Love You” ng JaDine, pati na ang kumpletong episodes ng mga teleserye nilang “Got to Believe,” “Dolce Amore,” at “On the Wings of Love.”
Sagot din ng iWantTFC ang mga pelikulang pampapawi ng lungkot tulad ng “All You Need is Pag-ibig,” “The Achy Breaky Hearts,” “Dear Other Self,” “Three Words to Forever,” “Gimik: The Reunion,” at “FLAMES The Movie.”
Panoorin ang mga ito sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.