“IBA YAN” HONORS NGO PROVIDING FOOD PEOPLE DISTRESS DURING PANDEMIC

Makikilala ng mga Pilipino ang mga kababayan natin sa likod ng NGO na tumutulong sa mga nangagailangan sa panahon ng pandemya sa pagtampok ni Angel Locsin at ng “Iba Yan,” ang Art Relief Mobile Kitchen, isang food relief group na nagsimula matapos salantahin ang bansa ng bagyong Yolanda, ngayong Linggo (Hunyo 27) sa A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV.  

Sinimulan ang NGO na ito ng beteranong photojournalist na si Alex Baluyut at cultural worker na si Precious Leano noong 2013. Matapos nitong magtayo ng soup kitchen sa Villamor Airbase nang dumaan ang nasabing bagyo, nakapagsagawa na ang grupo ng higit sa 60 soup kitchen sa iba’t ibang bahagi ng bansa na tinatamaan ng mga kalamidad, pati na rin sa mga lugar na nasa gitna ng labanan ng mga rebelde at militar.  

Isa sa mga volunteers nito ay si Theresa Barrera, isang balo na may pitong anak. Nagpapatakbo ng sariling maliit na canteen si Theresa bago dumating ang pandemya, ngunit hindi niya ito naipagpatuloy dahil sa mga lockdown.   

Isa si Theresa sa mga natulungan ng Art Relief kaya nang maghanap ang NGO ng volunteers, hindi ito nagdalawang isip para sumali. Ngayon, isa siya sa mga cook ng Art Relief na siya ring nagbibigay sa kanya ng pantustos para sa pamilya.    

Alamin kung paano binubuhay ng grupo and diwa ng bolunterismo sa bansa ngayong Linggo sa “Iba ‘Yan,” na mapapanood  sa A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button