“I Can See Your Voice,” “MMK,” at “Bagong Umaga” mapapanood na rin!

Available na ang Kapamilya Channel sa Cignal satellite TV channel 22 kaya naman mas maraming Pilipino ang makakapanood ng mga minahal nilang ABS-CBN shows.

Simula ngayong weekend (Okture 24 at 25), masusubaybayan na sa Kapamilya Channel ang bagong episodes ng mystery music game show na “I Can See Your Voice,” “Paano Kita Mapasasalamatan,” at “Iba ‘Yan,” at ang pagbabalik ng “MMK.” Dapat ding abangan ang pagsisimula ng teleseryeng “Bagong Umaga” sa Lunes (Oktubre 26).

Napapanood din sa Kapamilya Channel ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Ang Sa Iyo Ay Akin,” at “Walang Hanggang Paalam,” live episodes ng “It’s Showtime,” “ASAP Natin ‘To,” at “Magandang Buhay,” at “TV Patrol.”

Araw-araw ding umeere rito ang Kapamilya Daily Mass, educational programs, mga pelikula, at replay ng mga minahal na Kapamilya shows.

Bukod sa Cignal, available din ang Kapamilya Channel sa SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association (PCTA).

Samantala, napapanood din ang ABS-CBN shows sa A2Z channel 11 analog TV, Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel (youtube.com/abscbnentertainment) at Facebook page (fb.com/ABSCBNnetwork), pati sa iWant TFC app at iwanttfc.com.

Sa labas naman ng Philippines, maaaring tumutok sa The Filipino Channel sa cable o IPTV para sa mga gustong manood ng Kapamilya shows.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button