‘Hello, Heart’ Pagbibidahan nina Gerald Anderson at Gigi De Lana

Photo Credit: @andersongeraldjr at @gigidelanaofficial Instagram post.

Actor na si Gerald Anderson at Online Sensation na si Gigi De Lana magtatambal sa isang International Project.

Inanunsyo ng Star Creatives ang International Project na ito noong ika-12 ng Oktubre na may pinamagatang ‘Hello, Heart’. Ayon sa Variety, ang kwento ay isang Romantic Comedy o RomCon na patungkol sa iba’t ibang kamalasan na karanasan ng isang babae hanggang sa nakilala nya ang kanyang Lucky Charm na gagampanan ni Gerald.

Iha-hire ng karakter ni Gerald si Gigi na magkunwari bilang kanyang asawa at ipapakilala niya ito sa kanyang lola.

Hindi pa man pormal na nagsisimula ang taping aminado si Gigi na kabado ito sa tambalan nila ni Gerald.

“Siyempre kailangan ko maging ready kasi si Gerald parang ready na siya sa lahat kasi matagal na niyang ginagawa ‘tong pag-arte,” Ani ni Gigi sa isang panayam sa ABS-CBN.

Nakilala si Gigi De Lana dahil sa mga trending nitong song covers at music videos sa social media. Matatandaan na kamailan lang ay naiparinig na ng Gigi De Lana and Vibes ang bagong release na album na may pinamagatang “Sakalam” na mula sa binaliktad na salitang malakas, na isinulat nina Romeo at Erwin Lacsa.

Ang Hello, Heart ay resulta ng Partnership ng ABS-CBN at Streaming Platform na iQiyi.

Ipapalabas ang Hello, Heart sa iQiyi.

Hindi pa ibinibigay ang petsa kung kailan lalabas sa iQiyi ang naturang palabas.

Alfred Aron Malit

Alfred Aron Malit is a multipotential director who brings his dynamic vision to various media platforms, including Tiger Media Network, the official broadcasting arm of the University of Santo Tomas. Having started his career young, Alfred combines years of experience with a fresh, creative approach to storytelling and media production. His passion for visual creativity is evident in every project, from directing compelling travel content to collaborating with major brands. In addition to his broadcast work, Alfred contributes to well-known publications in the Philippines, crafting stories that inspire and resonate with audiences. His early start in the industry enhances his craft, enabling him to deliver authentic and engaging narratives across diverse platforms.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button