Gusto mo bang mapanood ang iyong mga paboritong Kapuso TV Shows on-the-go? Madalas ka bang naiipit sa traffic? o madalas mo rin bang ma-miss ang iyong paboritong teleserye? Ngayon may sagot na sa problema mo dahil inilunsad na ng GMA Network ang bago nilang produkto ang GMA Now.
Ang GMA Now ay isang Mobile Television On-the-Go (OTG) USB Dongle para sa mga Android Phones na magbibigay ng TV signal sa iyong telepono kaya mapapanuod mo na ang mga paboritong mong TV programs on the go, malinaw, in real time at for free!
Para magamit ang GMA Now siguraduhing ang telepono ay nasa Android 6.0 (Marshmallow) pataas at kinakailangang I-download o i-install ang libreng GMA Now App mobile application mula sa Google Play Store, ikabit ang GMA Now sa iyong Android Phone via Micro-USB or Type-C port, magregister gamit ang iyong Mobile Number.
Hindi mo na rin kailangan ng mobile data connection dahil plug and play ang GMA Now kaya nasaan ka man, pwedeng pwede ka manood ng mga free to air channels gaya ng GMA, GMA News TV, Heart of Asia, Hallypop, at DepEd TV.
Wag ka mag-alala dahil pwede mo ring i-record ang iyong panonood para pwedeng pwede mo balikan kahit kailan.
Pero hindi pa diyan nagtatapos, dahil ang GMA Now ay isa ring Interactive Internet Device dahil pwede kang makipag-chat sa mga kapwa mo Kapuso, at maari ring sumagot ng mga surveys at syempre pwede ka ring manalo sa mga palaro ng Kapuso Network.