Ipinakilala ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) ang Filipino-British artist at Queen of the Dance Floor na si Yassi Pressman bilang 2023 Calendar Girl sa isang okasyon na dinaluhan ng mga taga media, mga sikat na personalidad sa social media, mga dealer ng GSMI, at iba pang mga brand ambassador.
Ayon kay Yassi, magkahalong sorpresa at karangalan ang kanyang nadama noong siya’y makatanggap ng tawag upang ipaalam na siya ang pinakabagong miyembro ng pamilya ng GSMI. “Ang maging bahagi ng GSMI ay isa sa mga milestone ng aking buhay. Isang espesyal na karangalan ang mapabilang sa isang kumpanya na gumagawa ng mga produktong world-class at mataas ang kalidad,” aniya.
Ito ang unang beses na nagkaroon ng face-to-face event simula nang magsimula ang pandemya. “Kami ay nasasabik na magkaroon ng live launch ang Ginebra San Miguel 2023 Calendar Girl. Para sa amin, ang launch na ito ay siyang hudyat sa magiging tema sa paparating na taon. Maraming Pilipino ang naapektuhan ng pandemya ngunit ito na ang panahon upang tayo’y bumangon muli – na mayroong ‘Bagong Tapang’ upang mangarap at umasa, at maghandog ng positibong pananaw sa iba,” pahayag ng Marketing Manager na si Ron Molina.
Sa pamamagitan ng tema na “Queen of the Barangay,” ipinakilala si Yassi bilang isang modernong Filipina na kayang sumabay sa hamon ng new normal sa pamamagitan ng pagiging positibo at produktibo, dahil siya’y “matapang,” “ganado” at may “never-say-die” na attitude.
YASSI BILANG “QUEEN OF THE BARANGAY”
Pisikal at mental ang naging paghahanda ni Yassi upang maging patok ang kanyang representasyon bilang isang Ginebra Calendar Girl. Inamin niya na kahit bago pa man siya mapili, sinusubukan niyang mapanatiling malakas ang kanyang pangangatawan. “Siyempre, mayroong mga pagkakataon na hindi ko maiwasan ang matakam sa mga pagkain, ngunit kahit ganoon, alam ko ang aking prayoridad – ang maging mas malakas, mas masigla, at mas masaya.”
Sa paghahanda para sa calendar shoot, dumaan si Yassi sa weight training, boxing, at kumain ng balanse at masusustansyang pagkain. “Ang aking fitness journey ang tumulong sa akin upang ako’y maging mas masiglang bersyon ng aking sarili.” Lagi niyang inaalala ang mga tagline ng Ginebra gaya ng “Ganado sa Buhay” at “Never-Say-Die.”
Sa pagiging positibo ni Yassi, nagningning ang kanyang personalidad sa anim na layout ng Ginebra San Miguel 2023 Calendar. Ito ang unang beses muli na nagkaroon ng location shoot para sa calendar—simbolo ng pagnanasa na maging normal at mas maayos ang sitwasyon mula ngayon, at tuluyan nang mawala ang virus sa susunod na taon.
Ang layout ng calendar ay mula sa inspirasyon ng anim na cocktail mix. Una, ang “Ginsu Mix” ay kinunan sa isang talyer, na nagsasaad ng kahalagahan ng sikap sa trabaho at pagmamahal sa ating ginagawa. Pangalawa naman ang “Calamansi Surprise,” kung saan makikita si Yassi sa gitna ng halamanan at kalikasan.
“Kula-Orange Fizz” ang pangatlo na mayroong background na puno ng dried pampas grass at mga wooden tray kung saan puwedeng magdisplay ng iba’t ibang produkto ng Ginebra. Ani Yassi, naiugnay niya ito sa kanyang sariling dream home dahil nagtatampok ito ng mga wood furniture at neutral shades. “Mayroon din akong mini bar sa aking living room—isang open na espasyo para sa aking pamilya at malalapit na kaibigan.”
Ika-apat na layout ay ang “Velocity Mix” na tila eksena sa isang summer blockbuster na pelikula. Mayroong ref sa layout na kumpleto ng mga produkto ng Ginebra. Habang ang “Sky Prisma” naman ay ang ikalima, kung saan makikita si Yassi na nasa beach habang papalubog ang araw.
Ang huling layout ay ang “Mango Daiquiri,” tampok si Yassi sa beach na katabi ang isang bonfire. Ito ang pinakamagandang lugar upang ma-enjoy ang mga creative cocktail na likha ng Ginebra. Huwag lang kalimutan ang mga cooler at ice box para sa isang masayang ginuman.
Nahirapan si Yassi na mamili ng kanyang paboritong layout ngunit mas kumiling siya sa “Velocity Mix” dahil laging masayang pagkakataon para sa kanya ang makapunta sa beach kasama ang pamilya at mga kaibigan. Dito, nararanasan nila ang “ginstronomic trip” na may gin kasama ang paboritong mga pagkain at pulutan.
Ani Yassi, gusto niya rin ang Veloxity Mix dahil “mayroong itong candy at gummy bear kaya para sa akin, ito ay perfect dahil ito ay sweet ngunit mayroong sipa!”
YASSI BILANG MODERNONG FILIPINA
Noong magsimula ang pandemya, ang aktres at negosyante ay maraming nadiskubre sa kanyang sarili na hindi lamang para sa kanya at kanyang pamilya, ngunit para sa kanyang barangay.
Bilang isang empowered na Filipina, si Yassi ay nagmamay-ari ng iba’t ibang negosyo, marunong mag-alaga ng kanyang sariling organic garden, mag-ayos sa kanyang bahay, at gumawa ng mga masasarap na inumin para sa kanya at kanyang pamilya. Ang lahat ng ito ay kanyang ginagawa kasabay ng kanyang karera sa mundo ng showbiz.
Dahil sa kanyang mga nadiskubre, napagtanto niya na kailangan niyang maging mas mabait sa sarili at ipamalas ang itinatago niyang tapang sa pamamagitan ng pagiging matatag kahit ano mang hamon ang dumating. “Noong bata pa ako, lagi akong pinapayuhan ng aking ama – kung lagi mong susubukan, at ika’y magiging matagumpay, ikaw ay magiging masaya. Ngunit, kung lagi mong susubukan at ikaw ay ‘di magtatagumpay, nandito ako para saluhin ka.”
Ani Yassi, ang kanyang pamilya ang pinagmumulan ng kanyang “tapang,” ang dahilan upang siya’y maging matatag sa ano mang pagsubok na haharapin.
Kahit nagkakaroon siya ng mga personal na pagsubok, ipinagpapatuloy ni Yassi ang pag-eensayo ng kanyang mga talento at sinisikap niyang maging inspirasyon sa iba. Ayon kay Yassi, natural ang kanyang ipinapakita online at kasama rito ang pagpapakita ng ilang mga di-kanais nais na bahagi ng pagiging isang celebrity. Naniniwala siya na makakatulong na makita ng mga tao, lalo na ng kabataan, ang tunay niyang katauhan.
“Bukas ako sa lahat [sa social media] tungkol sa aking mga laban at paglalakbay tungo sa pagiging masigla at malakas,” sabi ng 2023 Ginebra calendar girl. “Sa tuwing nakakatanggap ako ng mga mensahe mula sa mga kabataan o sinumang netizen na nagsasabi na binibigyang-inspirasyon ko silang sumayaw, umarte, at magpatuloy sa pagsulong sa buhay, nagbibigay ito sa akin ng ‘ganado’ na pakiramdam at pag-asa at hangarin na bigyang inspirasyon ang mas maraming kababaihan!”
Kung mayroong mga bagay na napagtanto ang kababaihan dahil sa pandemya, ito ay ang kanilang kakayahan na magawa ang mga bagay na hindi akalain ng ibang tao na magagawa pala nila. “Sa tingin ko, napili ako ng Ginebra San Miguel dahil nakita nila sa akin yung tapang, passion, at yung ‘never-say-die’ na spirit. Kung ikaw ay lumaki sa showbiz, makakaranas ka ng maraming pagtanggi at masasakit na komento galing sa mga tao, ngunit kailangan na ‘wag itong pansinin lalo na ang mga hindi makakatulong na kritisismo,” saad ni Yassi.
Sa kabila ng mga pagtanggi at panghuhusga na naranasan niya, nanatiling matatag si Yassi at kanyang pangangatawan sa “never-say-die” attitude. Kalaunan, walang hamon sa buhay ang makapipigil sa kanya; lagi niyang ipinapamalas ang positibo at matatag niyang personalidad.
Bilang “Queen of the Barangay,” alam ni Yassi at ng kanyang mga kaibigan kung paano magkaroon ng good time—kasama ang masayang musika at inumin, gaya ng makikita sa kanyang mga post sa social media. “Mahilig kami sa mga theme party; ang huling ginawa namin ay tungkol sa sunflower. Nag disco at Coachella theme rin kami.”
Ibinahagi rin ng bagong brand ambassador na ang paborito niyang inuming gin ay ang GSM Blue Mojito dahil sa light na lasa nito; madali rin itong ma-enjoy ng kanyang mga kaibigan dahil lalagyan lamang nila ito ng yelo o dadagdagan ng prutas tulad ng pinya.
Bilang pinakabagong brand ambassador ng GSM, umaasa si Yassi na maipalaganap ang pagiging positibo at patuloy na magbigay ng inspirasyon sa kababaihan at kabataan—layon niya na iparating ang “ganado” niyang pananaw sa buhay sa kanyang 28 milyon na mga follower sa social media.
TRADISYON NG GINEBRA CALENDAR GIRL
Ang Calendar Girl ay bahagi na ng 188-taong kasaysayan ng Ginebra San Miguel.
Sinimulan noong 1988, ang tradisyong ito ay nakapag tampok na ng mga beauty queen, modelo, at artista na nag iwan ng tatak sa kani-kanilang larangan tulad nina Marian Rivera (2009 at 2014), Anne Curtis (2011), Solenn Heusaff (2012), Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (2019), Sanya Lopez (2020), at Chie Filomeno (2022).
Ang Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) ang producer ng pinakamabentang gin sa buong mundo, ang Ginebra San Miguel. Bukod sa Ginebra San Miguel, GSMI rin ang gumagawa sa mga produktong GSM Blue Light Gin, GSM Blue Mojito, GSM Blue Margarita, GSM Blue Pomelo, Ginebra San Miguel Premium Gin, 1834 Premium Distilled Gin, Antonov Vodka, Anejo Gold Rum, Primera Light Brandy, at ang numero unong Chinese wine sa Pilipinas, Vino Kulafu.
Para sa karagdagang detalye, i-like ang opisyal na Facebook page ng Ginebra San Miguel www.facebook.com/BarangayGinebra.