Inilabas na ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Tatino Films ang listahan ng mga kalahok para sa ikaapat na edisyon ng development program na Full Circle Lab Philippines (FCL PH) na nagbabalik sa pinakaunang onsite event nito matapos ang dalawang taong pagdaraos online. Gaganapin ito sa Cebu, Philippines mula Abril 26 hanggang 30. Lalahok sa lab ang 15 projects at 11 talents, kasama ang 11 na international industry mentors ng Tatino Films.
May kabuuang bilang na 26 na kalahok mula sa Pilipinas at iba pang bansa mula sa Timog-Silangang Asya ang ikaapat na edisyon ng FCL PH: labindalawang (12) projects na nasa development stage para sa Fiction Lab, walong (8) emerging producers sa Creative Producers Lab, tatlo (3) sa ika-unang edisyon ng Story Editing Lab, at tatlong (3) feature-length films na nasa editing stage para sa First Cut Lab. Idaraos sa Cebu ang onsite residential workshop sa Abril 26 hanggang 30, habang ang online follow-up sessions para sa Fiction at Creative Producers Lab naman ay gaganapin sa Setyembre 2022.
Sa Fiction at Story Editing labs, ang mga napiling kalahok ay magkakaroon ng group sessions kung saan pag-uusapan ang bawat proyekto at magpapalitan ng mga palagay ang mga kasapi ng grupo. Magkakaroon din ng one-on-one session ang bawat isa kasama ang mentors upang pag-usapan ang development at production ng kanilang mga proyekto. Para sa Creative Producers Lab, ang walong kalahok at ang kanilang mga mentor ay magpopokus sa iba’t ibang aspekto ng producing. Ang tatlong napiling proyekto naman para sa First Cut Lab ay magkakaroon ng mga sesyon kasama ang mga editor advisors at industry advisors upang talakayin ang usapin ng producing at distribution ng kanilang mga pelikula.
Ibinahagi ni FDCP Chair at CEO Liza Diño ang kaniyang kasiyahan sa pagbabalik ng onsite FCL PH labs at sa panibagong slate ng mga kalahok na proyekto ngayong taon, “For two consecutive years, FCL PH was held online due to the ongoing global health crisis. We did not allow the pandemic to deter us from catering to the training and development needs of our filmmakers and answering to the demands of the ever-changing film industry. We continued to offer new labs and made more room for projects to develop through mentorship. This year, FCL PH moves back onsite and we are thrilled to welcome the participants with a diverse lineup of projects.”
“Since 2019, FCL PH has helped develop a total of 61 projects and talents from the Philippines and our neighboring countries in Southeast Asia—aligned with our goal in making the country a creative hub for filmmaking. The program does not only aim on developing world-class content but is also centered on nurturing promising talents from the region. As we move forward to another exciting edition, we hope that the participants’ journey with FCL PH will further aid them in discovering their distinct voice, elevate their skills, and open more opportunities for them in the future,” dagdag niya.
Pahayag ni FCL PH Program Manager Ron Jiselle Lacerna, “The labs had to be held virtually for the past two years as a concession to the pandemic, but we at FCL PH used that time to plan and work towards making a bigger and better lab this year as we return as an in-person event. The return of onsite labs will give our filmmakers an opportunity to expand their networks and hear diverse perspectives from our international roster of participants and mentors. The whole team is excited to meet this batch of filmmakers for the edition. I believe this is one step closer to the goal of creating a synergy among the filmmakers and becoming Southeast Asia’s creative hub.”
Kasama ng FDCP, ang FCL PH ay katuwang na pinangungunahan ng pamunuan ng FCL na sina Matthieu Darras at Izabela Igel. Layon ng programang ito na makatuklas at makapaglinang ng mga bagong talento mula sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya, at masuportahan ang mga malikhaing proyekto ng mga ito upang makamit ang antas ng pang-internasyonal na kalidad sa pamamagitan ng mga film labs.
Nagbigay si FCL Head Darras ng mainit na pagbati sa bagong batch ng mga kalahok ngayong taon: “Entering now on its 4th edition, FCL PH has become a steady point of reference for the Philippine and Southeast Asian audiovisual industries. Professionals of the region can rely upon a safe space where they can develop or finalize their film projects, and where they can also enhance their storytelling and production skills. FCL PH aims to offer a stimulating international environment, where a diverse range of projects are welcome. Newcomers and experienced filmmakers, arthouse and more commercially-driven projects, are given the same level of attention and care by our mentors.”
“We at Tatino Films, are grateful for the FDCP’s leadership, whose vision has empowered our Lab to carve out such a creative hub in just a few years. We are now committed towards a long-term cooperation in order to reach sustainable results. On the short term, we are thrilled by the line-up of this edition of the Lab, characterized by a majority of debut film projects and most participants under 30 years old. We are looking forward to meeting all the talents onsite in Cebu, Philippines in April 2022. A new wave is looming,” dagdag niya.
Labing-isang industry professionals mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang magsisilbing mga mentor sa apat na labs ng FCL PH. Ang mga script consultants na sina Helen Beltrame, Mmbathou Kau, at Ayman El Amir ay magsisilbing mentor para sa Story Editing Lab at gayon din sa Fiction Lab, kasama ng mga prodyuser na sina Izabela Igel, Meiske Taurisia, at Olga Zhurzhenko.
Kasama rin sa listahan ng mga mentor ang editor consultant na si Benjamin Mirguet, ang editorial advisor na si Wim Vanacker para sa First Cut Lab, at ang mga producer na sina Weijie Lai at Juraj Krasnohorksy para sa Creative Producers Lab.
Muling sasali sa FCL PH sa taong ito ang mga umuusbong na filmmakers mula sa Pilipinas kabilang ang mga direktor na sina Sonny Calvento at Arden Rod Condez, at mga producer na sina Iana Bernardez at April Batacan. Ipapakilala rin sa ikaapat na edisyong ito ng FCL PH ang ilang pagbabago—panibagong lab nito, ang Story Editing Lab; ang mas malaking batch ng mga napiling kalahok para sa Fiction Lab (mula walo ay naging labindalawa), at ang karagdagang onsite na residential workshop.