Fresh na fresh ang summer dahil sa mga nagbabagang dance and musical performance mula sa mga paborito ninyong Kapamilya idol ngayong Linggo, May 2 sa “ASAP Natin ‘To,” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Pakatutukan ang mga paborito ninyong idol sa ASAP stage, tulad nina AC Bonifacio, Jeremy Glinoga, Jameson Blake, Jason Dy, Nyoy Volante, Klarisse de Guzman, vocal trio iDolls, Joao Constancia, Jin Macapagal, at Vivoree Esclito.
Damhin ang nag-iinit na summer groove sa song-and-dance number ng Asia’s Pop Heartthrob na si Darren Espanto. Susudan pa ito ng exciting rock biritan mula sa new generation of ASAP divas na sina Elha Nympha, Sheena, Zephanie, at Janine Berdin, kaya’t dapat natin itong abangan!
Dadag-dagan pa ito ng soulful kantahan mula sa new breed of singers na sina KD Estrada, Anji Salvacion, Diego Gutierrez, at Sam Cruz kasama ang TikTok star at on-the-rise artist na si Angela Ken.
Ihanda pa ang inyong mga sarili para sa times three hugotan sa senti sessions nina Divine Diva Zsa Zsa Padilla, Soul Siren Nina, at Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alzasid.
Abangan pa ang fresh collabs nina Mr. Pure Energy Gary Valenciano at Iñigo Pascual, at ng Concert King Martin Nievera at Bamboo.
Humada ring sumabay sa pagkanta sa punong-puno ng mensahe ng pag-asa sa mga awitin nina Gary V., Martin, Erik Santos, Zsa Zsa, at Regine sa “The Greatest Showdown.”
Talagang fresh ang summer celebration dahil sa mga world-class performance mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV, worldwide via TFC, at online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.