Ang bagong mukha ng Dr. Alvin Skin Care Products inilabas noong noong ika-16 ng Oktubre 2021.
Isang pinaka-in demand na batang aktres ang naging pinakabagong endorser ng Dr. Alvin Skin Care Products para sa bago nilang Rejuvenating Set. Makakasama na nila Joshua Garcia at Kira Balinger ang bagong endorser na si Francine Diaz.
Maraming namangha at nagulat noong si Francine Diaz ang naging bagong mukha ng Dr. Alvin skin care products.
Naitanong kay Dr. Alvin kung ano ang dahilan kung bakit niya pinili si Francine Diaz na maging endorser para sa Rejuvenating Set, kahit ang nasabing endorser ay labing pitong gulang pa lamang.
“Actually, knowing Francine, she is really a perfect face for our brand. She’s simple, beautiful, confident, and vibrant. And at the same time, the brand, the rejuvenating. Actually kapag sinabi nating rejuvenating, ‘yung youth ang ilalabas natin. And that’s Francine Diaz talaga.” ang naging sagot ni Dr. Alvin.
Ipinagtapat ni Diaz na ang kaniyang skin care bago siya naging endorser ng Dr. Alvin ay regular na sabon lamang at tubig.
Ngunit, matapos ang kanilang photoshoot at noong ginamit na niya ang Dr. Alvin skin care products, nakita niya ang pagbabago sa kaniyang mukha. At ika nga niya, mas glowing na ito ngayon.
Ibinahagi rin ni Dr. Alvin ang pagkakaiba ng kaniyang rejuvenating set sa ibang set na mayroon sa mundo.
“For our rejuvenating set, actually, we started twenty-three years ago pa. We were the first ones who introduced the rejuvenating set in the market. And at the same time, kami rin ang unang FDA approved pharmaceutical grade, dermatologically tested, clinically proven. So, it’s world class po talaga and it’s very safe.” ani ng founder.
Idinagdag ng aktres na dahil siya ang laging nasa taping, nakakawrinkles na raw ito nang maaga dulot ng sinag ng araw. Kaya inamin niyang siya ay natuwa dahil may solusyon na siya sa problema, at ito ang Dr. Alvin skin care products.
Sinambit ni Diaz na ang favorite niya lahat ang product ni Dr. Alvin lalo na ang rejuvenating set. Sa kadahilanang, ito ang kumpleto na at hindi ito malagkit at super light lamang sa feeling.
Kahit nasa pandemya ang lahat, ipinaalalahanan ni Dr. Alvin ang lahat na panatilihing malusog ang kutis sa pamamagitan ng bagong rejuvenating set.
“Nagdala ng mga pagbabago sa ating pang-araw-araw na pamumuhay ang pandemya, katulad
ng pagsusuot ng face mask at face shield para maiwasan ang pagkalat ng virus, madalas na
paggamit ng alcohol o disinfectants at ang iba nama’y mas madalas na nagpapa-araw upang
makuha ang benepisyo ng sunlight. Ang mga ganitong Gawain ay kadalasang nakakaapekto sa
ating kutis. Ang paggamit ng disinfectants at mga PPE ay maaaring magdulot ng allergic
dermatitis, contact dermatitis, at acne,” paalala ni Matulac. Inirekomenda niya ang paggamit ng facial cleansers/soaps, toners, morning cream, night cream, moisturizers, at sunscreen.
Nakatulong ang paglulunsad kay Francine Diaz bilang bagong endorser at ng Dr. Alvin Rejuvenating Set ang pagbangon ng mismong brand sa krisis sa kalusugan at kung paano ito makakasabay sa “new normal”.
Ipinaliwanag ni Dr. Alvin na sa pagdating ng pandemya, lockdown, at pagtatanggal ng negosyo sa bansa ay umisip siya ng paraan kung paano makakatulong sa mga nawalan ng trabaho at kung paano sila kikita.
Ang naging solusyon nila ay magturo mag-online business at kung paano magbenta ng ligtas, de kalidad, at abot-kaya mga dermatologically-tested at FDA-approved na produkto.
Maaaring makipag-ugnayan sa Dr. Alvin sa pamamagitan ng Dr. Alvin Main Page sa Facebook,@dralvinmainpage sa Instagram, sa website nito: www.dr-alvin.com, o sa telepono: 8371-2510, 8373-1894, 0999-992-1492 and 0917-881-5672. Sa mga gusto na maging Distributor, Wholesaler, at Reseller ay bukas sila para dito, kahit sa buong mundo pa.
#GandangAngat
#GandangDrAlvin