‘FEEL GOOD PILIPINAS’ DANCE VIDEO NINA KZ AT BGYO, NAGHATID NG GOOD VIBES

Nagpapasalamat at nasisiyahan ang ABS-CBN sa mainit na pagtanggap ng netizens sa “Feel Good Pilipinas” dance video nito tampok ang “Asia’s Soul Supreme” na si KZ Tandingan at P-Pop boy group na BGYO na kinabibilangan nina Mikki Claver, JL Toreliza, Akira Morishita, Nate Porcalla, at Gelo Rivera. 

Unang ipinakita ang bagong dance challenge na puno ng liwanag at ligaya noong Mayo 16 sa “ASAP Natin ‘To,” na napapanood na rin sa buong bansa sa free TV sa TV5 sa pamamagitan ng pag rescan ng anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box.

Layunin ng  “Feel Good Pilipinas” na bigyang inspirasyon ang mga Pilipino na patuloy na punuin ang kanilang mga tahanan ng saya at pagtibayin ang koneksyon sa isa’t isa sa kabila ng mga pagsubok sa buhay ngayong panahon ng pandemya. 

Sabi ni YouTube user Jahna Dane Abucal, pinatunayan na naman daw ng ABS-CBN ang galing nito sa paglikha ng mga awitin.  

“Always the best mag-produce ng mga kanta ang ABS-CBN. Natupad na ang isa sa mga wish ng BGYO na maka-collab si ate KZ. Congrats!” 

Nagustuhan din ni Mae Samson ang kanta na aniya’y napapanahon ang tema. 

“Andaming nangyayari ngayon. Thank you for this mga Kapamilya. Sobrang refresher nito sa mga stress na nangyayari. Lahat tayo ay maging light and joy ng bawat isa, Kapamilya.” 

Hanga naman si RYAJ DEE sa ABS-CBN dahil patuloy pa rin itong nagpapamalas ng galing kahit may pagsubok na pinagdaraanan. 

“Despite not having a franchise, ABS-CBN is still producing such amazing content.” 

Sunod namang ilulunsad ng ABS-CBN ang full music video ng “Feel Good Pilipinas” sa mga darating na araw tampok ang mga kwento ng inspirasyon.

Napuno ng good vibes ang social media pagkatapos i-share ng Kapamilya stars sa “ASAP Natin ‘To” ang “Feel Good Pilipinas” dance moves na sinimulan nina KZ at ng BGYO at sinundan naman ang “Your Face Sounds Familar Season 3” family kinagabihan. Abangan ang pagkalat pa nito sa ibang programa ng ABS-CBN habang inaanyayahan din ang mga Pinoy na ipagpatuloy ang pagbabahagi ng good vibes sa pag-upload ng kanilang pagsayaw ng “Feel Good Pilipinas” sa social media gamit ang hashtag na #FeelGoodPilipinasDance. 

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button