E-Heads fans, handa na ba kayong mag hawak-kamay muli at sabay-sabay na bibigkasin ang walang kupas na “Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay” na bahagi ng lyrics ng iconic na “Huling El Bimbo” ng sikat na banda na Eraserheads o mas kilala bilang E-Heads?
Nabulabog ang mga fans ng E-Heads sa nag viral umano na twitter post ng Former Eraserheads frontman na si Ely Buendia noong September 28, 2021 matapos ire-tweet nito ang patanong na post ng isang fan kung may pag-asa nga daw ba na magkaroon ng Reunion ang banda, sagot ni Buedia “Pag tumakbo si Leni”.
Dagdag pa ng former frontmant ay mangyayari lang ito (Reunion) kung magkakaroon din ng Reuinion ang bandang IV of Spades.
Noong ika-pito ng Oktubre ay pormal na ngang inanunsyo ni Vice President Leni Robredo ang pagtakbo sa pagkapangulo sa darating na Halalan sa taong 2022. Tanong naman ng fans kung tuloy ng ba ang reunion ng naturang banda.
Sa isang press conference ay sinagot na nga ni Buedia ang tanong ng mga fans, paliwanag nito na ang twitter post niya ay “a half serious joke”.
“That answer was far from a political post. I do respect and admire Leni. If I were to vote, she’s my top candidate right now,”
ani Buendia sa isang panayam sa ABS-CBN.
Paglilinaw din ni buendia na ang kanyang twitter post ay hindi sumasalamin sa usaping politika ng buong banda, ani nya ito lamang ay pansariling pananaw pagdating sa politika.