DUA LIPA’S “STUDIO 2054” TO STREAM FOR FREE iWANTTFC/MYX

Matutunghayan na ng Pinoy fans ang “Studio 2054” virtual concert ng Grammy award-winning artist na si Dua Lipa dahil mapapanood na ito nang libre sa iWantTFC at MYX simula Abril 14 ng 8 PM at sa Kapamilya Channel at A2Z sa Abril 18.

Sa pamamagitan lang ng pag-download ng app at pag-register online, pwede nang balik-balikan ng iWantTFC users sa Pilipinas ang virtual concert kung saan tampok ang mga kanta mula sa  “Future Nostalgia” album ni Dua, na nagwagi bilang Best Pop Vocal Album sa 63rd Annual Grammy Awards.

Bukod sa concert na tampok ang special guests na sina Elton John, Kylie Minogue, Miley Cyrus, FKA Twigs, J Balvin, Bad Bunny, Tainy, Angèle, at The Blessed Madonna, mapapanood din ng mga Pinoy ang paghahanda ni Dua sa kanyang concert sa “The Story Behind The Show” documentary simula sa Abril 21 ng 8 PM sa iWantTFC.

Pwede ring subaybayan ng fans ang digital concert sa MYX music channel sa Abril 14 ng 8 PM na may replay sa Abril 18 ng 10 PM at Abril 20 ng 3 PM. Mapapanood naman ang “The Story Behind The Show” sa Abril 21 ng 8 PM at sa replays nito sa Abril 25, 10 PM at Abril 27, 3 PM.

Abangan din ang digital concert at documentary sa Abril 18 sa A2Z ng 9:45 PM at sa Kapamilya Channel ng 10:45 PM.

Kabilang sa mga kinanta ng British pop sensation ang “Levitating,” “Don’t Start Now,” “One Kiss,” at “New Rules.”

Una nang pinuri ang “Studio 2054” nang inilabas ito noong Nobyembre 2020. Ayon sa Harper’s Bazaar, isa itong “star-studded disco-inspired extravaganza,” habang tinawag naman itong  “celebration of up-close disco joy” ng The Guardian.

Panoorin nang libre ang “Studio 2054” ngayong Abril 14, 8 PM at ang “The Story Behind The Show” sa Abril 21 ng 8 PM sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, piling Samsung Smart TV models, at Android TV. Available na rin ang iWantTFC via chromecast at airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC.  Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button