Digitally Restored “Eskapo” free streams on iWant

Sa pagdinig sa House of Representatives noong Miyerkules (Hunyo 3), ibinahagi ni ABS-CBN chairman emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III ang panahong tumakas siya ng bansa noong 1977 kasama ang tatay niyang kinulong habang ipinapatupad ang Martial Law.

Tampok ang buong kwentong nito sa digitally remastered movie na “Eskapo” na isinasalaysay ang makasaysayang pakikipaglaban nila para sa kalayaan. Inidirek ito ni Chito S. Rono at mapapanood na nang libre sa iWant.

Magsisimula ang “Eskapo” sa hindi inaasahang deklarasyon ng Martial Law noong 1972 kung saan libo-libong Pilipino ang inaresto. Kabilang dito sina sina Geny Lopez (Christopher de Leon) at Serge Osmena (Richard Gomez), ang mga anak ng ABS-CBN founder na si Eugenio Lopez, Sr. at dating Pangulo na si President Sergio Osmeña, Jr. na kinulong nang walang kasalanan.

Hindi man magkakilala bago makulong, magiging matalik na magkaibigan sina Geny at Serge habang patuloy na nakikiusap ang mga pamilya nilang palayain sila.

Sa kulungan, sisimulan nina Geny at Sergio ang isang hunger strike para iprotesta ang hindi makatarungang pagkakakulong ng libo-libong Pilipino. Ngunit pagkatapos ng limang taong pagkakapiit sa preso, magdedesisyon ang dalawang tumakas sa bansa, sa tulong ng kaibigan ni Geny na si Jake (Ricky Davao) at ng mga anak niyang sina Gabby (Mark Anthony Fernandez) at Raffy (Eric Fructuoso).

Kasama rin sa cast ng “Eskapo” sina Dina Bonnevie, Armando Goyena, Amado Cortez, Farrah Florer, Paula Peralejo, TJ Cruz as Ernie Lopez, Camille Prats, Carlo Prats, Maila Gumila, at ang special participation nina Mark Gil, Joel Torre, at Teresa Loyzaga.

Panoorin nang libre ang digitally restored version ng “Eskapo” pati na ng “Dekada ‘70” sa iWant app sa iOS o Android o mag-log in sa iwant.ph. Mae-enjoy rin sa iWant ang iba ang digitally restored version ng classic Pinoy movies gaya ng “Karnal,” “Himala,” “Oro Plata Mata,” “Madrasta,” “Cedie,” “Batang PX,” “Magic Temple,” “Sana Maulit Muli,” “Hihintayin Kita sa Langit,” at “Got 2 Believe.”

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button