DAMHIN ANG IBA’T IBANG KWENTO NG PAG-IBIG NGAYONG PEBRERO SA IWANTTFC

Sa pagpasok ng buwan ng pag-ibig, handa na ang iWantTFC, the home of Filipino stories, na panain ang puso ng bawat manonood hatid ang iba’t ibang kwento ng pag-ibig na mapapanood ng libre. 

Isang major throwback na kilig at sakit ang hatid ng mga timeless na pelikula kagaya ng “May Minamahal” (1993) nina Aga Mulach at Aiko Melendres, “Labs Kita, Okey Ka Lang?” (1998) na pinagbibidahan nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal, at “Don’t Give Up On Us” (2006) nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos.

Mapapanood din ang mga kwentong pag-ibig na walang pinipiling kasarian, kulay, o edad sa “Boyette Not. A Girl Yet (2020),” nina Zaijian Jaranilla, Inigo Pascual at Maris Racal, to “2 Cool 2 Be Forgotten (2016),” kasama sina Khalil Ramos at Jameson Blake, at “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” (2005), na pinagbibidahan ni Nathan Lopez. 

Bukod dito, ibibida rin ang mga kwentong nagsimula sa pagkakaibigan na nauwi sa tunay na pag iibigan katulad ng “That Thing Called Tadhana” (2014) na pinagbibidahan nina Angelica Pananganiban at JM de Guzman, “Luck at First Sight” (2017) na tampok sina Jericho Rosales at Bela Padilla, at ang OG 90’s barkada sa “Gimik: The Reunion” (1999).

Damhin ang saya at pait ng pag-ibig ngayong Pebrero at at i-stream ang mga movie at series na ito nang libre sa Pilipinas sa iWantTFC app (iOS at Android) o website (iwanttfc.com).

Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang “watch now, no registration needed” feature. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. 

Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC.

Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button