Napanood ko ang usapang puso ng dalawang Marcelo sa video na ito. At talaga namang natuwa ako, sabi nga nila “Kung ano ang puno siyang Bunga”.
Binisita ni tatay Marcelo ang kanyang anak at pinaghanda nya ng masasarap na pagkain. Binasa nila ang mga sulat ng mga tagapakinig ni Marcelo Santos III at nagbigay ng magagandang payo si Tatay Marcelo Santos Jr. sa mga humingi ng advice.
Dito mo makikita ang kagandahan ng isang pamilya kung lagi silang nagsasama-sama at nagdadamayan. Ang pagkakaroon ng bonding sa pamilya ay isang magandang halimbawa na ginagawa ng isang mahusay at masayang familya. Lalo na kung ang Padre de pamilya o tatay ay laging gumagabay at pinapadama ang pagmamahal sa kanyang mga anak.
Masarap at masaya sa buhay natin, ay ang pagsasalo ng buong mag-anak sa hapagkainan. Ito ay sumisimbulo sa pagkakaisa at pagmamahalan ng masayang pamilya. Lalo na kung ang padre de pamilya ay kinakausap at pinapaliwanagan nya ang kanyang mga anak ng mga magagandang aral sa buhay.
Napakasarap mabuhay kung ang iyong pamilya ay karamay mo sa lahat ng bagay. Masaya kayong nagsasalo sa hapagkainan lalo na kung si tatay at nanay ay ipinagluto tayo ng masasarap na pagkain at ulam.
Tulad ng paghahanda ni Tatay Marcelo Jr. Para sa kanyang anak, pareho nilang na eenjoy ang pagkain at kwentuhan sa hapagkainan.