Umiinit na ang tensyon sa pagitan nina Cardo (Coco Martin) at Lito (Richard Gutierrez) ngayong umiigting na ang pagdududa niya sa totoong pagkatao ni Lito sa tumitinding mga eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Harap-harapan na ngang kakalabanin ni Cardo si Lito dahil sa lumalaking hinala niyang trinaydor nito ang buong Task Force Agila kaya nalagay sa panganib ang kanilang buhay at nasawi si Alyana (Yassi Pressman).
Habang ipinaalam na ni Cardo na hindi na siya magtatrabaho para kay Lito, lalo pang kukulo ang dugo niya dahil unti-unti na rin niyang nadidiskubre ang sikretong nakaraan nito at ni Alyana.
Ngayong pinaplano na ng Task Force Agila ang susunod nilang hakbang, inutusan na ni Lily (Lorna Tolentino) ang grupong Black Ops na dalhin sa kanya ang bangkay ni Cardo upang masiguro na patay na talaga ito.
Bukod sa Black Ops, panibagong mga kaaway din ang makakabanggaan ni Cardo sa mga bagong karakter nina Bubbles Paraiso, Franco Daza, Drey Brown, Zeppi Borromeo, at Jamina Cruz sa kanilang pagsanib-pwersa sa grupo ni Lito upang pabagsakin na si Cardo.
Matuklasan na kaya ni Cardo ang lahat ng mga sikreto ni Lito? Paano haharapin ni Cardo ang mga grupong tumutugis sa kanya?
Panoorin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.
Patuloy din itong napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa CineMo at Kapamilya Channel sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring subaybayan ito sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.