Si Toni Gonzaga bilang Julie sa bagong yugto ng kanyang buhay noong Mayo 11 sa “Home Sweetie Home Extra Sweet” ay patuloy ang pagsuporta ng Kapamilya.
Mas maraming Pilipino ang natuwa at nasiyahan sa bagong pamilya ni Julie na nakakuha ng 37.2% laban sa Pepito Manaloto na nakakuha naman ng 18.7% ayon sa Kantar Media.
Sa pagsasama nina Vhong Navarro, Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, at Bayani Agbayani sa show, halos umaapaw ang natanggap na papuri sa mga netizens. Lalo na ang pagsama ng dalawang “PBB” housemates na sina Yamyam Gucong at Fumiya Sangkai ay inaabangan ng mga fans sa una nilang palabas sa Dos.
Nakita ng manonood ang paglipat ni Julie sa kanyang Tiya Oya (Rio Locsin) dahil nga sa naupos ang buong bahay sa nangyaring sunog sa lugar niya. Kasama ring lumipat ang half-sister ni Julie na si Mikee (Alex) matapos makulong ang kanyang nanay. Nadagdagan ang mga kaibigan niya sa katauhan nina Pip (Luis), Edwin (Bayani), at Ferdie (Vhong) at kasama rin nila sa barangay ang dalawang “PBB”housemates na si Hiro (Fumiya) isang exchange student, at si Bogs (Yamyam), isang tagabantay sa ‘Pera Padala’ na pagmamay-ari ni Kap Frank (Bobot Mortiz).
Ilan sa mga Twitter users tulad ni @JPValdez2019 kinongratulate ang #HomeSweetieHomeExtraSweet sa kanilang episode noong nakaraan linggo. Natutuwa ako dahil napagsama-sama nila ang mga piling-sikat na komedyante sa palabas na ito. Pinagsamang Palibhasa Lalake at Ok Fine Whatever ang konsepto ng show na hindi nawawala ang moral values ng palabas. At sabi rin ni @TheArch70456136, “Sobrang ganda ng casting. Natural na natural lang lalo na ang batuhan at asaran nina Alex at Luis.
Gayundin natuwa si @Clyde22_Deluxe5 sa Gonzaga sisters, “Ang kulit ng magkakapatid na Alex at Toni, Ang galing din ng mga bagong cast. Sa komento naman ni @GTSJDG “Tuwang-tuwa ako sa ka-cute-an nina Hiro at Bogs” ang dalawang “PBB”housemates.
Patuloy nating tangkilikin ang kwento ni Julie ng kanyang bagong pamilya sa “HomeSweetieHomeExtraSweet” tuwing Sabado pagkatapos ng “TV Patrol”.