BAGONG DIGITAL PROJECTS NG ABS-CBN IBINIBIDA ANG KWENTO NG MGA PILIPINO AT KAHALAGAHAN NG KALUSUGAN SA GITNA NG COVID-19

Bago at napapanahong digital projects ang handog ng ABS-CBN sa paglunsad nito ng “Stay At Home Stories: Mga Kwento ng Taong Bahay” na nagpapakita sa pinagdaraanan ng mga Pilipino sa gitna ng COVID-19 outbreak, at “Team FitFil” na layuning palakasin ang kalasugan ng mga manonood mula sa kanilang mga tahanan.

Masasaksihan sa “Stay At Home Stories: Mga Kwento ng Taong Bahay” ang iba’t-ibang kwento ng pagsusumikap ng mga mamamayan na lumalaban sa buhay sa kabila ng krisis na dulot COVID-19. Mapapanood ito sa ABS-CBN Entertainment Facebook page (fb.com/ABSCBNnetwork), YouTube channel, at website (ent.abs-cbn.com).

Sa unang dalawang episodes nito, napanood ang dating “PBB” housemate na si Aljon Mendoza bilang isang frontliner na nahiwalay sa ama dahil sa outbreak sa episode na “Kornbip,” samantalang gumanap naman si Hasna Cabral bilang isang single mother na may madamdaming sulat para sa kanyang mga anak sa “Yakap.” Nakasama rin nila ang beteranong aktor na si Jojit Lorenzo.

Samantala, ang kalusugan naman ng mga Pinoy ang binibigyang kahalagahan sa “Team FitFil,” na nagpapatunay na kailangan lamang ng apat na minuto para mapanatiling malakas ang katawan. Mapapanood ito sa ABS-CBN S+A YouTube channel (channel (youtube.com/ABSCBNSports) at eere rin sa TV sa ABS-CBN S+A araw-araw tuwing 7:30 AM at reruns kada 3:30 PM.

Pinapakita ng fitness coaches na sina Jim at Toni Saret ng iba’t-ibang 4-minute home workout routines na maaaring subukan mula sa mga tahanan, samantalang nagpapaindak naman ang dance coach na si Mickey Perz sa kanyang apat na minutong dance exercises.

Sa una nitong episode ipinakita ang fitness routine ni Robi Domingo at ng Kiwi sisters ng “PBB” na sina Franki Russell at Diana Mackey.

Para sa updates, i-follow ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).

About ABS-CBN Corporation

ABS-CBN Corporation is the Philippines’ leading media and entertainment organization. The Company is primarily involved in television and radio broadcasting, as well as in the production of television and radio programming for domestic and international audiences and other related businesses. ABS-CBN produces a wide variety of engaging world-class entertainment programs in multiple genres and balanced, credible news programs that are aired on free-to-air television. The company is also one of the leading radio broadcasters, operating eighteen radio stations throughout the key cities of the Philippines. ABS-CBN provides news and entertainment programming for eight channels on cable TV and operates the country’s largest cable TV service provider. The Company also owns the leading cinema and music production and distribution outfits in the country. It brings its content to worldwide audiences via cable, satellite, online and mobile.  In addition, ABS-CBN has business interests in merchandising and licensing, mobile and online multimedia services, glossy magazine publishing, video and audio post production, overseas telecommunication services, money remittance, cargo forwarding, TV shopping services, theme park development and management, property management and food and restaurant services, and cinema management, all of which complement and enhance the Company’s strength in content production and distribution. The Company is also the first TV network in the country to broadcast in digital. In 2015, it commercially rolled out its digital TV box, ABS-CBN TVplus, to prepare for the country’s switch to digital TV.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button