Arnel Pineda naglunsad ng bagong awitin

Ipinahayag ng global Pinoy artist na si Arnel Pineda ang katapangan at lakas ng loob ng mga bayani ng COVID-19 sa kanyang isinulat na kantang “Your Soldiers,” na inilunsad sa ilalim ng DNA Music.

Sa bagong pop rock track, may hatid ding inspirasyon ang singer-songwriter para magkaisa ang lahat sa gitna ng krisis at inihahandog niya ito sa medical front liners ng bansa.

Nagmula rin kay Arnel ang tunog ng “Your Soldiers” na may music arrangement mula kay Gabriel Tagadtad at ipinodyus naman ito ni Jonathan Manalo, creative director ng ABS-CBN Music.

Umani agad ng mga positibong feedback ang lyric video nito sa YouTube.

Courtesy of ABS-CBN Star Music

Sabi ni Victor Maala, “nice song Arnel….bravo, we are all soldiers fearlessly fight [ing] till the end against enemies attack…for no battle shall take long.”

Pinansin naman ni Jan Abellana ang tunog ng kanta na mala-1980s ang dating. Aniya, “I love this! 80s type vibe.”

Samantala, pinuri ni Yurin79 ang pagkanta ni Arnel. “Very strong vocals, sounds amazing!,” ayon sa kanyang comment sa YouTube.

Si Arnel ay isa sa mga tampok na mang-aawit sa ilalim ng DNA Music, isang record label ng ABS-CBN na nagbibigay-pugay sa galing ng mga Pilipino sa rock at alternative music.

Simula 2007, ang tanyag na Filipino performer ay siya ring lead singer ng iconic American rock band na Journey. Nitong nakaraang buwan lamang ay inawit niya ang “Don’t Stop Believin’” kasama ang naturang banda para sa “Won’t Stop” COVID-19 benefit show ng UNICEF.

Pakinggan ang “Your Soldiers” ni Arnel sa iba’t ibang digital platforms. Para sa updates, sundan ang DNA Music @dnamusicph sa Facebook at Instagram.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button