Ipagdiriwang ng “Iba Yan” ang ika-una nitong anibersaryo kasama si Angel Locsin sa pagbisita niya sa Covid-19 survivors at pagbibigay pugay sa mga medical at non-medical frontliners na patuloy na nakikipagsapalaran para tulungan ang bayan na sumulong sa gitna ng pandemya.
Bibisitahin ni Angel ang mga nurse at utility personnel ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium
sa Caloocan City, ang pasilidad na may pinaka malaking bed capacity para sa Covid-19 patients. Makikilala dito si Gregnon Melindo, isang nursing attendant na nagkaroon ng Covid-19 noong Marso ngunit hindi pinaalam sa kanyang pamilya para hindi sila mag-alala.
Habang nasa isolation, namatay ang kanyang asawa dahil sa cardiac arrest. Nagtratrabaho pa rin si Gregnon sa nasabing ospital, pero nagbebenta rin ito ng polvoron para madgdagan ang pantustos sa pamilya.
Kilalanin sila at iba pang frontliners na nagseserbisyo sa mga Pilipino ngayong Linggo sa “Iba ‘Yan,” na mapapanood A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at sa labas ng Pilipinas sa at The Filipino Channel.