ANGEL, IBABAHAGI ANG ILANG KWENTO NG MGA COMFORT WOMEN SA “IBA YAN”

Samahan si Angel Locsin na ibibida ang kwento ng katapangan ng tatlong comfort women o mga babaeng biktima ng military sexual slavery noong panahon ng Hapon sa espesyal na handog ng “Iba Yan” para sa Women’s Month ngayong Marso 28 at April 4, 6:30 PM sa Kapamilya Channel at A2Z.    

Mula sa halos 200 na nagpahayag ng kanilang karanasan, 12 kababaihan na lang ang nabubuhay sa ngayon.   

Isa na rito si Estelita Dy na 14 na taong gulang nang pagsamantalahan nang paulit-ulit ng mga Hapon. Nakaukit pa rin sa alalala ni Lola Estelita ang tatlong linggong kalbaryong kanyang dinanas sa Talisay, Negros un saan siya paulit-ulit na ginahasa ng iba’t ibang tao.     

Isang buwan naman ang tinagal ng pang-aabuso kay Lola Fedencia at kanyang lola. Hindi nito malimot ang pagkakataong pinutulan siya ng tenga at ibinilad sa araw.   

Samantala, lampas sa isang taon ang pagdurusa ni Narcisa Claveria sa kamay ng mga Hapon. Labindalawang taong gulang lamang siya nang dakpin at gawing parausan at alipin. Nakita niya kung paano binalatan na parang kalabaw ang ama, gahasain ang kanyang ina at bayonetahin ang dalawang nakababatang kapatid.     

Alamin kung papano pa mabibigyang tulong ang mga lolang nasa pangangalaga ng Lila Filipina. Mapapanood rin ito sa Kapamilya Online Live, Jeepney TV, at iWant TFC at TFC.   Sundan ang “Iba Yan!” sa facebook.com/IbaYanPH, twitter.com/ibayanph, at instagram.com/ibayanph. Maaari rin mag-join sa Facebook Community Group ng “Iba ‘Yan”: facebook.com/groups/ibaYanPH/.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button